Ang ganda talaga ng sembreak ko. Puro overnights! Hahaha!
October 22-23: Nagovernight sina Greggue at Neil Mark sa bahay namin para gumawa ng MP. Biglaan lang to. As in out of the blue, naisip ni Greggue na magovernight. Haha. At ayun, wala rin kaming nagawa. Pagdating namin sa bahay, nagayos muna kami, naginternet, nanood ng TV. Tapos nung madaling araw na, nakatulog si Greggue. Di na namin siya nagising. Pinagaaralan pa rin namin ni Neil Mark kung paano gawin. At nung hindi ko na talaga kaya ay natulog na ako. Pati si Neil Mark ay natulog na rin.
Nung sumunod na araw, wala na rin kaming nagawa dahil di na kami makaconnect sa server. Kaya ayun, parang wala lang yung overnight na yun. Wala rin kaming nagawang productive.
October 24-25: Debut ni Joan to sa Laguna. Pupunta dapat ako kaso di rin natuloy. Ginawa ko kasi yung MP. Kaso wala ring nangyari sa MP ko. Konting-konti lang yung nagawa ko. Somehow nasayangan ako. Iniisip ko na sana pumunta na lang ako sa debut niya. Nagenjoy rin kasi lahat ng pumunta run. Sobrang wasted pa nung mga tao. Haha! Pero ok na rin na di ako nakapunta. At least naasikaso ko yung despedida ni Troy.
October 26-27: Ito yung despedida ni Troy. Sa susunod na entry ko na lang ikkwento yung mga nangyari rito. Sobrang dami kasi. Hehe.
October 29-30: Ito yung pinakahuling overnight sa ngayon. Sem planning ng fin ito. At as usual, sa bahay namin nagovernight. Konti lang kami. Ako, si Kat, kuya Jet, Karlo, at Gigi. Di na nakapunta si Chet kasi ginabi na siya ng uwi mula sa probinsiya. Tapos si Karlo naman hindi nagovernight. Ayun, bale lima lang kaming gumawa ng mga plano. At masasabi ko namang naging productive ang overnight na ito. Natapos namin ang mga kailangang gawin. Good job talaga! Haha.
Ayan. Haha. Puro overnight diba? Hahaha! Overall, masasabi kong naging masaya ang sem break ko. Ang daming masayang nangyari. May mga pangyayari pang hindi ko ineexpect. At dun ko rin na-realize na namiss ko pala sila ng sobra. Namiss ko yung presensiya, pagsama at pakikihalubilo sa kanila.
Haaay. Magsisimula na ang second sem. Sana naman maging masaya at maayos ang sem na ito. Wala na dapat akong ibagsak. GC mode na dapat! Haha!
Friday, October 30, 2009
Overnight Galore
0 commentswritten by Patrick at 6:15 PM
Sunday, October 18, 2009
CRS Loves Me
0 comments
Natutuwa talaga ako sa naging resulta ng first batch run ng CRS. Nakuha ko lahat ng majors ko! At may GE pa! Mahal na mahal ko ang CRS ngayon. Di na niya ako papahirapan. Yung PE na lang yung poproblemahin ko. Pero ayus na yun. At least di na ako mamomroblema sa EEE ^___^
Kaso may isa pa pala akong problema. Ayoko yung nakuha kong prof para sa EEE23. Kaya mageenlist pa rin ako sa ibang schedules. At sana matanggap ako dun. Kung hindi, magchachange of matriculation na lang ako. At sana di yun maging sobrang hassle >.<
At ayun pa pala. Naiinis ako at may subject na kaklase ko siya! Bwisit! Gusto ko na nga lumayo e :(( Nakakaasar lang talaga! :((
written by Patrick at 7:38 PM
Avalanche
2 commentsGrabe! Ang tagal ko nang di nakapagblog. Naging sobrang busy e. Paano ba naman? Pagkatapos nung "sembreak" part one e sunod-sunod na yung exams namin.
Yung "sembreak" part one na sinasabi ko ay yung isang linggo na wala kaming klase dahil sa bagyo. At dahil dito ay nausog ang lahat ng exams namin. At pati ang talagang sembreak namin ay nabawasan na ng isang linggo. Kaya imbes na magaral, ay inisip na lang namin na "sembreak" na namin ito. Kaya ayun, bum mode lang ako sa bahay. Walang ginawa kundi humarap sa computer, man
ood ng TV, kumain, at matulog. Wala talaga akong nagawang acad related nung linggong iyun. At pagkatapos ng isang linggong bakasyon, ayun! Nagsabay-sabay ang lahat ng exams namin sa iisang weekend. Kamusta naman yung diba? Dalawang exams ng sabado, isa ng linggo, at isa ng lunes. Sabog yung exams ko nung sabado. ES12 yung una tapos EEE13 naman yung sumunod. Masyado akong nagfocus sa ES12 kasi wala talaga akong maintindihan mula sa prof namin. Kaya di tuloy ako masyadong nakapagaral para sa EEE13. Nung linggo ay EEE21 naman. Medyo kampante naman ako rito kasi nagegets ko naman yung mga lessons. Kulang lang talaga sa practice kasi di ko nasagutan yung ibang mga tanong sa problem set dahil di naman ito pinapasa. Mas gugustuhin ko talagang ipapasa yung problem set para mapilitan akong sagutin iyun. Nakakatamad kasi pag di pinapasa e. Tapos nung lunes talaga yung pinaka-fail na exam ko. Di ko talaga magets ang EEE25. Di talaga ako handa para sa exam na yun. At formal interview pa nung buddy ko na si Rhayne nung umaga, kaya di rin ako masyadong nakapag-review nung umaga. Kaya ayun, natanga na lang ako habang nageexam.
Tapos nung wednesday pala yung finals namin sa ES12. Grabe! Di rin ako nakaaral ng maayos para dun e. Sobrang sabog talaga ako nun. Di ko yun nasagutan ng matino. At ayun, lumabasa na yung grades namin dun nung friday. At ayun, nakakalungkot lang. May bagsak na naman ako :((
Haaay. Sana ayun lang ang bagsak ko ngayong sem >.<
written by Patrick at 7:17 PM
Tuesday, September 29, 2009
I Got a Feeling
0 commentsHabang nagpplurk ako kanina, nakita ko yung isang plurk ni Cielo. At natuwa ako sa napanood ko. Video ng I Got a Feeling ng The Black Eyed Peas nung nag-guest sila sa Oprah. Ang cool lang talaga nung video. Panoorin niyo. I'm sure matutuwa rin kayo ^___^
written by Patrick at 10:35 PM
Stranded III
0 commentsNarito nga pala yung mga pictures at video habang naglalakad ako sa Marcos Highway.





Narito naman yung mga pictures habang nagbabaraha kami.
written by Patrick at 2:25 PM
Stranded II
2 commentsAyan! Sa wakas at nagkanet na rin sa bahay! Grabe talaga yung mga nangyari nung mga nakaraang araw.
Ang tagal ko ring nastranded sa katipunan. Simula 11 AM hanggang 11 PM ay nasa katipunan lang ako. At Y!M at Plurk lang ang only means ng communication ko. Wala kasing signal nun at low batt pa ako. Buti na lang dala ko yung laptop ko at may WiFi sa Mcdo. Habang nagnenet, nagPM sa akin si Janel. Pumayag na raw sina Carlo na dun muna ako sa bahay nila magstay. Natuwa talaga ako nun. Ang balak ko kasi nung una ay sa Mcdo na lang ako magpapalipas ng gabi. Pero dahil kay Janel at sa iba pang mga tumulong sa akin, may natuluyan ako nung gabing yun.
Nagayos agad ako at pumunta na kina Carlo. Pagdating ko dun, sinalubong ako ni Carlo at ng nanay niya. Nagusap kami saglit. Nagkwentuhan nung mga nangyari. Tapos nung mga 1 AM ay natulog na ako. Nagising ako ng mga 7 AM. Tulog pa si Carlo nun, kaya nagayos na muna ako ng gamit ko. Grabe! Basa na pala yung loob ng bag ko. Buti na lang yung laptop hindi nabasa. Pagdating nga mga 9 AM ay kumain ka kami ng breakfast. Kasabay naming kumain yung kuya niya. Ayun, nagkwentuhan lang kami ng mga nangyari. Pagdating ng mga 11 AM, nagpaalam na akong umalis. Nagtext kasi si papa na may mga bumabiyahe ng jeep.
Pagdating ko sa katipunan, mejo natagalan din ako bago makasakay. Puro puno kasi yung mga dumaraan na jeep. Buti na lang nakatiyempo ako sa isang FX. Pagdating sa may Barangka, ayun, sobrang traffic. Ang daming naglalakad na tao. Puro putikan din yung kalsada. Tapos marami ring mga tao ang naglalabas ng mga kagamitan mula sa kani-kanilang mga tahanan para maglinis. Lagpas tao pala yung baha dun. Mga dalawang oras din kami sa lugar na iyon bago makarating sa bayan. Pagdating naman sa bayan, ayun, ang dami ring taong naglalakad at puro putikan din. Mga 1 PM na ako nakauwi sa bahay.
Pagdating ko sa bahay, walang kuryente, tubig, at telephone line. Simula pa pala nung sabado yun. Ayun, nakakain na rin ako ng lunch at nakapagayos na rin ng gamit. Tapos nagsimba na kami at kumain na lang ng dinner sa labas.
Gabi na kami nakauwi. Wala kaming magawa nun, low batt na rin kaming lahat. Buti na lang may charger si kuya na sa kotse isasaksak. Kaya ayun, nakapila lahat ng phones namin. Haha! Habang naghihintay, niyaya ko sina Nicole at ate Jen na magbaraha. Tapos sumalina rin sina kuya at mama. Ungguy-ungguyan at pusoy dos ang mga nilaro namin. Matagal din kaming naglaro. Pagdating ng mga 10 ng gabi, woohoo! Nagkailaw! Narinig kong nagsigawan yung mga kapitbahay namin e. Hahaha! Ayun, niligpit na namin yung mga kandila at pagkatapos nun ay nanuod muna ako ng news saglit. Tapos natulog na.
Pagkagising ko, nagkaroon na rin kami ng tubig. At ngayon, nagkanet na rin kami. Kaso wala pa ring dial tone. Kaya ang labo talaga. May net kaso walang dial tone. Pwede ba yun? Hahaha!
written by Patrick at 2:22 PM
Saturday, September 26, 2009
Stranded
0 commentsGrabe! First time kong mastranded. At hanggang ngayon ay stranded pa rin ako. Kanina pa akong tanghali andito sa Katipunan. Ginawa ko na lahat ng makakaya kong paraan. Kaso di talaga ako makaalis.
Dumating ako sa katips ng mga 11:30 AM. Kakagaling ko lang nun sa Rizal Memorial Stadium sa may La Salle. Nanuod kasi ako ng laban ng Taekwondo. Required kasi para sa PE. Pagdating ko sa katips, hindi na gumagalaw yung isang lane dahil sa baha. Tapos yung katipunan jeep ay hindi na rin nagsasakay. Kaya no choice ako kundi maghintay. Kaso wala ring nangyari sa paghihintay ko. Gutom na gutom na rin ako nun. Kaya binalak kong kumain sa Mcdo. Kaso habang papunta pa lang dun ay di ko kinaya. Baha e. Kaya sa ministop na lang ako kumain. Tapos nagnet muna ako sa katabing net shop para magpalipas ng oras. Katext ko nung mga oras na ito sina Alai at Melai. May kachat din ako sa plurk. Tapos lahat sila ay di na makakapunta sa debut ni Kaye. Kaya nagdecide na rin akong di pumunta. Akala ko naman makakauwi ako agad. Hindi pala. Pagdating ko sa hintayan ng mga jeep, walang jeep! Tapos nakita ko ang daming naglalakad. Kaya naisipan kong maglakad na rin. Pagdating ko sa may riverbanks, nagbabalikan na yung mga kotse at mga tao. Umaapaw na pala yung Marikina River. Di na makakatawid sa tulay. Edi naghintay muna ako dun saglit. Tapos maya-maya nakikita ko na baha na sa may Riverbanks Mall. Tapos unti-unti na ring tumataas yung tubig. Kaya inisip kong bumalik na lang sa katips.
Habang naglalakad, nakita kong maraming naglalakad papuntang Marcos Highway. Kaya naisip kong dumaan dun. Ok naman yung papunta dun. Nakakagulat nga lang pagdating sa tulay kasi kitang kita mo na sobrang taas na nung Marikina River. Ang daming bahay ang lubog. Pati yung parking lot ng SM Marikina ay lubog na rin. Pati na rin yung ibang flyover. Tapos pagdating sa may Santolan Station ng LRT, ayun, napatigil na ako. Baha na yung parte pagkatapos nun. Kaya nagdecide akong bumalik na lang sa katipunan. Sumakay ako ng LRT, pagdating sa katipunan, nagnet na lang muna ako. Tapos nung wala na akong magawa, lumipat ako ng Mcdo. Buti na lang at konti na lang ang tao dun. Kaso nung magoorder na ako ng pagkain, wala na. Naubos na pala. Grabe lang talaga! Naubos ang pagkain ng Mcdo?! Hahaha! Ang dami kasing tao kanina e.
Tapos nung wala na rin akong magawa, umalis na ako at nagbakasakaling pwede na makauwi. Kaso pagdating ko sa may intersection ng katipunan, wala pa rin. Nakatigil pa rin ang lahat ng kotse >_<>_< Haaay. Anong oras na kaya ako makakauwi?
Haha! Wala lang. Ang adik ko lang. Nakuha ko pang kumuha ng litrato at video habang naglalakad kanina sa Marcos Highway. Pero sa susunod ko na lang ipopost yun. Di ko dala yung USB cable ng phone ko e.
written by Patrick at 7:02 PM

