Monday, November 9, 2009

Tumblr Pictures

2 comments

Wala akong magawa kaninang umaga. Kaya nagbasa ako ng tumblr blog nung kaibigan ko. At natuwa ako sa mga pictures na nakita ko :))

Kawawang itlog, nagripuhan XD


Paano nga kung ganito ang mga ATM? :))


Aww. Kawawang cactus >.<


Ang cute nung mga to ^___^


Meron akong Gameboy Color na kulay green XD


Malanding babae! :))


Aww. Kawawa naman yung babae :(


Haha! Ang geeky! XD


Kaya pala! :))

Enrollment Blues II

2 comments

Woot! Pagkatapos ko maging "dissmissed", and later on naging probi lang, pagkatapos ng lahat ng paglalakad, pagpipila, pagji-jeep, at pagkatapos ng limang araw, anim na oras at 15 minuto, enrolled na rin ako! (funkydance) Wala lang. Haha! Gusto ko lang i-share na officially ay enrolled na rin ako :p

Quote II

0 comments


Nakita ko lang ito sa isang blog na nakita ni Alai. Haha. Wala lang :p

Sunday, November 8, 2009

Another Suicidal Sem Again?

0 comments

Ito ang schedule ko ngayong sem. Suicidal ba? Haha! Last sem kasi ay suicidal daw sabi ni sir Snap. At hindi siya nagkamli dun. 3 out of 5 subjects ang bagsak ko. Grabe lang no? Buti na lang napasa ko yung EEE 33. Part kasi yung ng retention rule e. Pero dahil sa tatlo kong bagsak, probation ako ngayong sem. At dapat ngayong sem ay hindi na ulit ako maging probation. Kundi dissmissed na ako from the college >.<

Hay. Matagal-tagal ko ring inisip kung icacancel ko ba yung ES 12 at papalitan ko ng GE o hindi. At in the end, hindi ko na cinacel. Hay. Sana naman tama ang desisyon ko. Ayokong magpaalam sa Eng'g. Ito na talaga ang gusto kong gawin. Sana talaga mapasa ko ang lahat ng subjects ko ngayong sem. Kailangan ko na talagang magbago. Kailangan na maging GC. Bawal na ako magpaBI. Kailangan nang magseryoso. Hay. Pagdasal niyo ako :((

Saturday, November 7, 2009

Quote

0 comments

A quote from the latest episode of Gossip Girl:

"Sometimes it's hard to see the lines we've drawn until we've crossed them. That's when we rely on the ones we love to pull us back and give us something to hold onto. Then there are the clearly marked lines. The ones that if you dare cross, you may never find your way back."

Enrollment Blues

0 comments

So far, ito yung pinakagrabeng enrollment ko sa UP.

November 3, Tuesday: Ang araw na ito ay para lang sa mga freshies at graduating students. Nagpunta na rin ako para tignan yung eligibility list. Kaso wala rin akong napala. Di pa pala nila piniprint. Kaya nasayang lang ang pagpunta ko sa UP nung araw na ito.

November 4, Wednesday: Ito na talaga yung start ng enrollment namin. Pagdating ko, nalaman kong inelige ako, as usual. Three units passed lang daw ako. E kasalanan ba namin na maaga kayong nagprint ng eligibility list at late nagsubmit ng grades yung mga prof namin?!

Edi pumila kami dun sa isang room para maging eligible to enroll. Tapos nagtanong na rin ako sa info booth kung anong mangyayari sa akin since 7 out of 16 units passed lang ako. Nagulat na lang ako nang sinabi sa akin na dissmissed na raw ako from the college. Apparently, may bagong rule na kapag less than 50% units passed, automatically dissmissed na from the college. E dati naman 25% yung rule na yun. At yung between 25% to 50% ay on probation lang. Nagulat din yung mga kasama ko sa bagong rule. Kaya nagappeal na agad ako to be readmitted. Nagintay ako buong araw para sa results. Kaso hanggang sa matapos ang araw ay wala pa ring results.


Nung hapon pala ay auditions para sa Awitan. Nung una e ayaw ko na talaga magaudition. Natakot kasi ako. In the end, napilit nila akong lahat. And it didn't somehow turn out well. Pumipiyok kasi ako habang kumakanta. Haha! Pero ayus lang naman daw yun. Bale sa Bass 1 pa rin ako. Tapos 12 lang pala ang kukunin sa amin. E so far nasa 14 na kami. At ang mga kalaban ko sa Bass ay magagaling. So malamang ako yung isa sa mga matatanggal >.<

November 5, Thursday: Maghapon akong naghihintay para sa results. Tapos nung hapon na, nalaman na lang namin na mali pala yung sinabi sa amin nung RA sa info booth. Grabe! Ang sarap niyang murahin nung panahong yun. Edi sana kumuha na kami nung number nung nakaraang araw. Pero kinausap namin yung ibang mga RA. At ang sabi sa amin ay pumunta kami sa EEE at ipacancel daw namin ang mga appeals namin. Pagkatapos nun, bumalik kami sa Eng'g. At sa kabutihang palad, nakuha na namin ang certificate of eligibility! Dun kami natuwa ng sobra. Kaya bumal
ik ulit kami sa EEE para kunin ang aming Form 5 at 5a. Grabe talaga! Somehow nagpapasalamat ako dun sa RA na nagsabi sa amin na dissmissed na kami. At least nakuha namin agad yung mga certificate of eligibility namin.

November 6, Friday: Nagkadilemma ako nung araw na ito. Di ko kasi alam kung icacancel ko ba o hindi ang ES12 at papalitang ng GE o Elective. Nung gabi kasi, naconvince ako na mag Russian10/French10 na lang ako. Gusto ko rin kasi ma-all pass ang sem na ito. Kaso pagdating nung umaga, habang nakapila na ako para magcancel, parang nagdadalawang isip na ako. Sayang naman kasi. Nakuha ko na nga lahat ng subjects ko sa preenlistment. Tapos icacancel ko pa yung isa dun. Saka di rin pala mabibigyan ng full credit ang language course hangga't di ko kinukuha yung 11. At dahil na rin sa impluwensiya nung mga tao, di na ako nagcancel.


Nung tanghali pala ay kumain ang buong G11 plus Mykel sa KFC sa Katipun
an. Yun na kasi yung last lunch date namin with Troy. Nakakagulat lang at halos kumpleto kami. Mga apat lang ata yung di nakapunta. Binigay na rin namin yung scrapbook sa kanya. At tawa lang kami ng tawa habang tinitignan niya yung laman nung scrapbook. Pagkatapos kumain, nagtaxi kaming lahat pabalik ng UP. Grabe! First time ng G11 na magtaxi! Haha! Pagdating sa EEE, nagpaalam na kami kay Troy for the last time. Nakakalungkot lang talaga. Oh well, that's life. Darating at darating talaga ang panahon na maghihiwalay kaming lahat :((

Pagkaalis ni Troy ay tinapos ko na yung enrollment ko. At pagkatpos ng ilang oras ay natapos na rin ako! Bayad na lang ang kulang. Woot woot! First time kong matapos agad. Hehe.

Monday, November 2, 2009

Troy's Despedida

0 comments

Sa darating na November 8, sina Troy, kasama ang kanyang pamilya, ay aalis at lilipad na patungong Nevada, USA. At dahil dito ay naisipan naming magkaroon ng depedida para sa kanya. Matagal-tagal na rin naming pinaplano to. At nung October 26-27 ay naganap na rin ito. Ginawa na rin namin itong parang outing ng block namin.

Sa Loreland Farm Resort, Antipolo kami nagpunta. Sa kasamaang palad ay walo lang kaming nakapunta: ako, Troy, Alai, Greggue, Karlo, Jelo, Jorge, at JM. Pero kahit konti lang kaming nakapunta, naging masaya pa rin. Nagkita-kita kaming lahat sa UP ng 8 AM. Kaso mga 11 AM na ata kami nakaalis. Haha! Naging adventure pa yung pagpunta namin dun. First time kasi namin pumunta dun. At mejo naligaw kami sa directions na nakuha namin.

Dumating kami sa res
ort ng mga 1 PM na ata. Inayos muna namin yung mga gamit namin, kumain, nagvideoke saglit, tapos nagswimming na. Ang saya kasi nasolo namin yung isang pool dun. Monday kasi, kaya wala masyadong tao.

Tapos napagtripan din pala namin yung slide d
un. Nakakatakot kasi yung pagbaba. Akala mo ordinaryong slide lang. Kaso habang nagsslide ka, pabilis ng pabilis yung momentumon ka na. Haha! Ang ginawa namin ay lahat kami ay umakyat, at sunod-sunod na nagslide. Haha! Nakakatawa lang talaga yung mga itsura namin habang nagsslide at tumitilapon.

Tapos nagbreak muna kami sa paliligo at nag pusoy dos. Sina Jorge, Greggue at Alai naman ay nagvideoke.

Birthday pa
la ni Eman nun. Kaya habang naglalaro kami, tinawagan siya ni Greggue at nung nakausap na siya, sabay-sabay kaming bumati sa kanya. Haha. Nakakatuwa lang.

Pagkatapos ng ilang rounds ng pusoy dos at kantahan, nagswimming na ulit kami. At pagdating ng mga 5 PM ay umahon na kami at nagayos na ng mga gamit.

Naging adventure din yung paguwi namin. Haha! Buti na lang at tama yung mga nilikuan namin. Bale dumaan muna kami sa Robinson's Metro East para bumili ng alak. Hehe. Kaso sarado pa pala yung supermaket nila dahil sa pinsalang ginawa ng bagyong Ondoy. Kaya sa Ministop na lang, na malapit sa amin, kami bumili.

Pagdating sa bahay namin, andun na pa
la si Kat. Tapos dumating na rin sina Marvin at Martin. Tapos kumain na muna kami ng dinner. Tapos maya-maya pa ay dumating na rin si Wes. Ayun! Nakumpleto na rin ang mga magoovernight. Haha! Kaso umalis din sina Greggue at JM. Di kasi sila pwede magovernight.

Ayun, masaya yung ov
ernight. May sari-sarili kaming mundo nung umpisa. May mag nanonood, may mga naglalaro, at may mga nagnenet. At pagsapit ng alas dose ay binati namin si Alai ng "Happy Birthday!" Tapos nung mga 1 AM na ay nagsimula na kaming uminom. Nakakatuwa lang kasi lahat kami uminom. As in lahat! Haha. Tapos bago pala uminom ay nagtoast muna kami. Bawat isa ay may sinabi. May mga nakakatuwa, may mga joke time, may mga seryoso, at meron ding mga ka-emo-han. Haha!

Pagdating ng mga 4 AM ay nagsimula nang matulog yung mga tao. Nasa sahig nun sina (in order) Kat, Karlo, Jorge, Marvin, Troy, at Wes. At nasa kama naman ako, si Martin, Alai, at Jelo. Kamusta naman kaming mga nasa kama no? Haha!

Paggising namin nung umaga, hinanda ko na yung rinequest ni Alai na pancakes. Haha! At ginawa ko siyang cake. Nagluto ako ng sampung pancakes, para tigiisa kami. Tapos pinagpatong-patong ko para magmukhang cake. At may kasama pang kandila yun sa taas. Haha. At nung kakain na kami ay nilabas ko na yung cake. Natuwa naman si Alai dun. Hehe.

Pagkatapos kumain, nagsimula na silang magayos. At nung mga 2 PM ay umalis na sila.

Bon voyage Troy! Ingat sa biyahe at goodluck sa buhay sa states. ^___^

~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~O~

Ayun. Dahil sa overnight na ito ay narealize ko na namiss ko na talaga ang G11. As in miss na miss ko na sila. Pagkaalis kasi nila ay parang nalungkot ako. Naisip ko na hindi na kami ulit magiging kumpleto. Na hindi na rin kami magiging magkaklase sa mga susunod na taon kasi iba-iba na ang mga subjects namin. Na hindi ko na rin sila masyadong makakasama. Haaay. Ang emo na. Sorry naman. Haha.

Pero ayun, kahit na ganun ay alam ko naman na gagawa at gagawa pa rin kami ng paraan para magkasama. At syempre marami diyan, kagaya ko, ang magiging pasimuno sa mga gala at reunions. Haha!