Last August 19, 2009 naganap ang aming buddy date. Requirement kasi ito para sa mga apps ng UP Circuit. Ang mga magbubuddies ay ako at si Rhayne, Alai at Bossing, at Kat at Nori. Tapos sumama na rin sina Greggue, Lorr, Chet, at Gens, at humabol si kuya Jet.
Exam din namin nun sa EEE 33. Kaya after ng exam pa kami nakapagdate. Kumain na muna kami sa Wendy's sa SM North Edsa Annex. Ayun, kwentuhan, picture-picture, etc. Pagkatapos nun, umalis na sina Lorr at Chet.
Tapos dumerecho na kami sa bowling center. Dun na rin dumating si kuya Jet. Ayun, naglaro kami ng bowling. Nahati kami sa dalawang grupo. Ako, Kat at Nori, saka Alai, Bossing at Rhayne. Yung iba ay pinanuod na lang kami. Grabe! Ang loser ko na pala sa bowling. Nung first year pa kasi ako huling nakapagbowling. Kaya ayun, sabog na sabog ako. Nabalian pa ako ng kuko. At sa huli, kami yung natalo. Kaya gusto namin ng rematch! Haha! Masaya naman yung laro. Nung una wala lang yung paglalaro. Tas maya-maya unti-unti nang nagiging competitive yung mga tao. Hahaha! Tas si Gens pa yung commentator namin. Tawa na lang kami ng tawa.
Pagkatapos maglaro, ginawa na namin yung sweet buddy picture. Di ko na siguro ikkwento yung mga nangyari dun. Grabe lang kasi. Hahaha! Yung kina Kat ayus lang naman, yung kina Alai ay tawa na lang kami ng tawa, tas yung sa amin naman ni Rhayne ay hindi na naging sweet, naging mahalay na! Hahaha!
Pagkatapos nun, umalis na sina Nori, Rhayne, Kat at kuya Jet. Kami naman nina Alai at Gens ay kumain na muna sa Cello's, tas si Bossing may binili lang sa Ace Hardware. Pagbalik ni Bossing sa Cello's, umalis na kami at dumerecho sa The Block para panuorin naman yung concert ng UP Concert Chorus. At pagkatapos nun ay sabay na kaming umuwi ni Bossing.
Ayun, ang saya ng experience na yun. Sana talaga matuloy yung rematch na yun. Hahaha!
Sunday, August 23, 2009
Buddy Date
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
mukhang masaya nga... ^_^
hehehe (dance)
LOL.
grabe lang.:D
gow sa rematch.:D
unang game, yung last time na groupings tas sunod, apps vs. mems naman. tas sagot ng talo yung bayad.:))
jooooooke!:p
sure! why not! hahaha! yung magbabayad talaga yung problema e noh? :))
Post a Comment