Ilang linggo na rin ang nakalipas nang huli akong makapagkwento. Sobrang busy kasi. Bawat linggo na lang may exam. Di na naawa sa amin. Hay. Tapos dagdag problema pa yung ilang mga tao.
Tao 1:
Nakakainis ka alam mo yun? Di na ako natatawa sa mga pinaggagagawa mo. Nung una ok pa e. Di ko na lang pinapansin. Kaso habang tumatagal, nakakainis na e. Lalo na yung sinabi mo sa akin nung nasa VLC: "O bakit ka andito? Dun ka nga sa Circuit!" Alam kong joke lang yun. Pero hindi ako natatawa. Naki-ride na lang ako sa iyo nun e. Kunwari aalis na, pero bumalik ulit. Pero sa totoo lang, gusto ko talaga lumipat sa Circuit nun. Nakakainis kasi yung sinabi mo e. Alam mo naman kung bakit hindi na ako tumatabi sa inyo diba? At isa pa, ang arte mo naman! Sasali na nga lang ng org, gusto mo kasama pa siya. Tapos ako pa ang uutusan mong kumbinsihin siyang sumali? Ok ka lang? Di na nga kami naguusap nung taong yun e. Nananadya ka ba? Batukan kita jan e!
Tao 2:
Isa ka pang nakakairita! Kaya pala parang may something nung enrollment. Tapos bago magpasukan, nalaman ko na kung bakit. Sabi ko na lang sa sarili ko, "pag di niya ako pinansin, di ko na rin lang siya papansinin." At ganun nga ang nangyari. Unang araw pa lang, di ka na namansin. Grabe ka! Alam ko naman na mali yung ginawa ko. Mahirap ipaliwanag kung bakit ko yun nagawa. Pero grabe ka naman! Dahil lang dun puputulin mo na pagkakaibigan natin?! Kahit nga nung birthday ko di mo man lang ako binati. Ikaw lang yung G11 na di bumati sa akin. Salamat ha! What a friend! Tapos ako pa talaga yung unang kumausap sa iyo. Di ka man lang gumawa ng paraan. Lagi na lang ako yung unang lumalapit. Nakakainis ka! At pagkatapos nung dalawang araw na iyon, balik na ulit sa dating di naguusap/nagpapansinan. So ganun na lang tayo? Ok lang naman sakin e. At mukhang ok na ok para sa iyo.
Tapos nakakainis pa yung nangyari kanina. Grabe! Ano bang nangyayari ha? Plastikan na lang na may halong pangaasar? P*t*ng *na!
Friday, July 31, 2009
Rants V
written by Patrick at 8:23 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
LOL.
kilala ko sila.:p
whatever talaga dun.
aja lang bamba.>:D<
kung ayaw edi wag. susko. marami pang mas worthy sa friendship na pwede mong ibigay.:D
@alai.^^:
salamat Alai! (cozy)
ahaha. onga e. matagal ko na yun naisip. kaso sadyang nabad trip lang talaga ako kahapon sa mga nangyari kaya ko blinog to. hehe.
Post a Comment