Thursday, April 30, 2009

Boring Weekend?

0 comments

Ang tagal ko na ring hindi nakapagpost. Hahaha. Anyway, kwento ko na lang yung nangyari sa akin nitong weekend.

Overall, sobrang boring ng weekend ko. Wala kasing magawa sa bahay. Ang productive lang na nagawa ko ay ang magbake, linisin ang kwarto ko at magdrive. Hahaha.

Tapos ung sa pagbabake, sapilitan pa yun. Ayoko talaga magbake nun. Wala kasi ako sa mood. Kaso ung ate ko pinipilit ako. Kaya ayun. Ulam ung binake ko, hindi dessert. Tas yung ready-made na. Yung hahaluan mo na lang ng konting ingredients. Pagkatapos maluto, tinikman ko. Ang tabang! Kaya di na ako kumain. Pinabayaan ko na lang silang ubusin yun. Hahaha.

Ayun, nakapaglinis din ako ng kwarto ko kahit papaano. Huling beses ko kasing nalinis yun ay nung nagovernight ung G11 sa bahay namin. E two weeks ago na ata yun. Hahaha. Grabe! ang alikabok na pala nung kwarto ko. Kaya grabeng paglilinis ung ginawa ko.

Ang pinakamasayang nagawa ko lang nung weekend ay ang magaral magdrive. Si papa lang yung nagtuturo sa akin magdrive. Dun kami nagdrive sa isang lugar na malapit sa bayan. Sumama nga pala si Nicole, yung pamangkin ko. Hahaha. Ayun, naenjoy ko naman. Hahaha. Automatic na muna yung drinive ko para masanay na muna sa daanan, sa pagliko, sa pagmamanuever at dahil mas madali. Tas ngayong sabado naman ay yung manual na ung susubukin kong idrive. Goodluck na lang sa akin. Lagi kasi akong namamatayan nun. Pero kagaya nga ng sabi ni papa, sanayan lang ito. Matututo rin ako! Hahaha.

Saturday, April 18, 2009

Overnight II

4 comments

Kakagaling ko lang sa overnight kanina. At bangag ako ngayon dahil tatlong oras lang yung tulog ko. Overnight ito ng batch 07 ng Circuit sa bahay nina Chuck. Kaso 14 lang kaming nakapunta. At ito ang unang overnight ng 07 na nakasama ako. Hahaha.

Masaya naman yung overnight. Nung simula e mejo wala ako sa mood. Tas habang tumatagal e naeenjoy ko na. Kumanta lang ako the whole night. Tas tinuruan ako ni Lorr ng ilang magic tricks sa baraha. Tas naglaro rin kami ng Go Fish. Ang saya ng larong ito. Hahaha. Kaso ang hirap magconcentrate nung naglalaro kami kasi mga bangag na kami nun. Hahaha. Tas natulog na kami. Pagkagising e kumain at umalis na kami.

Hindi ko na masyadong nai-elaborate yung mga nangyari. Basta. May mga pangyayaring di ko na dapat banggitin. Ang hahalay kasi! In short, ang lilibog ng mga 07! Hahaha! Grabe lang talaga. Pero ang saya pa rin.

Summer Enrollment III

0 comments

Ito na so far ang pinakahaggard na enrollment ko sa UP. Dati kasi, wala akong masyadong problema pagdating sa enrollment. Kaso ngayon, may mga pangyayaring di inaasahan. Kaya nagkaroon tuloy ako ng sunod-sunod na problema.

Una na rito ay ang permit to overload form na inasikaso ko for two days. Sa summer kasi, 6 units lang talaga ang pwede. Tapos kung gusto mo gawing 9 units, kelangan mo pa ng permit to overload na form. E kelangan ko ng 9 units for summer, kaya inayos ko pa ang permit na ito. Nung tuesday ko lang ito naasikaso at wednesday na ung last day of enrollment. Kaya nagpapanic na ako nung mga oras na ito. Naasikaso ko ung mga kelangang pirma mula sa EEE nung tuesday. Nung wednesday ko na napasa sa Eng'g Admin. At dahil late na nagbukas ung Eng'g Admin, at ang dami ko pang aasikasuhin, di na ako nakapasok ng Math 114 class ko. Sayang tuloy yung plus 2% sa grade for perfect attendance.

Sobrang pagod talaga ako nung wednesday. Mula Eng'g, pumunta ako ng Math Bldg. para asikasuhin yung add mat form ko. Kaso ayaw ako maenlist dahil validated na ako. Kaya pumunta pa ako ng EEE para magpa-unvalidate, tas balik ulit ng Math para maenlist na, tas balik ng EEE para ipa-validate at ipapirma sa adviser ung add mat form. Kaso may meeting yung ibang mga prof, kaya akyat-baba ako sa EEE Bldg. para maghanap ng libreng prof. Pagkatapos nun ay bumalik ako ng Eng'g para papirmahan sa Dean. Tas pumunta na ako sa OUR para bayaran ang aking tuition fee.

Nung thursday naman, dapat babayaran ko na ung add mat sa OUR, kaso ang haba ng pila. Kaya lumipat ako sa PNB sa SC. Kaso dahil may klase pa ako sa Math 114, umalis na lang ako sa pila para hindi ako malate.

Kahapon naman, hindi ako pumasok ng Philo 1 para asikasuhin ang bayad para sa add mat. Pagdating ko sa OUR, ako ung pinakauna sa pila. Kaya natapos agad ako. Tas nalaman ko rin na absent ung prof namin sa Philo 1. Kaya tama lang talaga yung ginawa ko na hindi pumasok. Ang galing galing talaga!

At iyan ang nangyari sa akin nitong linggo. Napakahaggard! Pero at least tapos na ako sa enrollment! ^_^

Tuesday, April 14, 2009

Overnight

4 comments

Woot! Woot!

Naenjoy ko nang bonggang bongga yung overnight sa bahay namin. Sobrang saya talaga!

Sinundo ko sina Jelo, Jorge, at Alai sa UP. Mga 12NN na kami dumating sa amin. Saktong pag dating namin sa bahay ay dumating na rin si Karlo. Tas imbes na pumunta pa kami sa Chowking na malapit lang sa amin, nagpadeliver na lang kami. At grabe lang yung mga inorder namin. Dalawang beef Chao Fan at siomai sa akin, kay Jelo ay dalawang Yang Chao at tofu, dalawang Yang Chao at siomai kay Karlo, 3 pork Chao Fan kay Jorge, at isang beef Chao Fan at buchi kay Alai. Grabe! Busog na busog kami dun! Ang bigat sa tiyan ng mga kinain namin e.

Habang hinihintay namin humina ang sikat ng araw, nagkaraoke na muna kami. Nung hindi na masyadong maaraw, pumunta na kami sa basketball court para magbasketball. Kaso pagdating namin dun ay may mga naglalaro na. Kaya sinubukin namin sa Marist, kaso sarado. Kaya umuwi na lang kami.

Pagdating namin sa bahay, nagulat kami dahil andun na pala si Kat. Kakarating lang pala niya. Naglaro na lang kami ng volleyball at badminton sa tapat ng bahay. Si Kat naman ay nagbike.

Mejo nahihiya pala ako sa kanila nung mga oras na yun. Hindi kasi natupad yung plinano namin. Pero feeling ko naman ay nagenjoy pa rin sila kahit papaano.

Pagkatapos maglaro ay nagpahinga na muna kami sa sala habang nanonood ng Spongebob. Tapos dumating na si JE. Kaya kumain na kami ng dinner. Tas biglang may nagdoor bell. Akala namin si Michaelle. Tas nagulat kami dahil si Gens ang nakita namin. Ang sabi niya kasi di siya makakapunta. Tas bigla na lang siyang dumating. Hahaha. Tapos dumating na rin si Michaelle. Nakumpleto na rin kami sa wakas!

Pagkatapos ay bumalik na kami sa kwarto ko. Nagsiliguan na kaming mga naglaro, ako, si Jelo, Karlo, at si Jorge. Tapos ay nanuod na kami ng Eurotrip! Hahaha! Grabe! Laugh trip talaga yung movie. Kahit pangalawang beses ko na yun napanuod, tawa pa rin ako ng tawa.

Pagkatapos nun ay natulog na sina Jelo, Michaelle at Jorge. Matutulog na rin ako dapat, kaso di ako makatulog dahil nanunuod pa yung iba ng Turn Left, Turn Right. At ang iingay nila! Hahaha. Kaya nakahiga lang ako the whole time at nakapikit ang mata. Pero nakatulog din ata ako sa kalagitnaan nung movie. Pero nagising din ako nung patapos na.

Pagkatapos nun ay natulog na rin sila. Katabi ko nun sina Jelo at Gens. At grabe lang si Gens. Inagawan ako ng kumot! Giniginaw tuloy ako nun. Buti na lang may kumot pang nakabalot sa may paanan ko nun. Pero si Jelo ata ang pinakakawawa. Wala siyang kumot! Hahaha. Tapos may times na nagigising ako. May mga nagssnore kasi ng malakas! Tas nagigising din ako minsan kasi nagssnore sina Jelo at Gens. Hahaha!

Nung sumikat na yung araw, nagsigisingan na kami. Unang umalis si JE. Tapos sina Michaelle at Jorge. Tas sina Kat, Alai, at Gens. Kami nina Jelo at Karlo ang huling umalis. Tas bago kami pumunta ng UP ay kumain muna kaming tatlo ng brunch sa Mcdo Katips. Pagkatapos kumain ay dumerecho na kami ni Karlo sa UP para sa removals exam namin. Tas si Jelo naman ay umuwi na ng Laguna.

Grabe! Super enjoy talaga yung overnight na yun. Ang saya-saya nung mga bonding moments namin. Sa uulitin guys! ^___^

Friday, April 10, 2009

Summer Vacation

2 comments

Simula nung Wednesday hanggang ngayon ay nagmomovie marathon lang ako sa bahay. Walang magawa e. At ang pinakamagandang napanood ko pa lang ay yung 21. Wala lang. Ang cool nung movie. Tungkol siya sa Black Jack. Tapos umiikot ung storya sa isang estudyante na naglalaro ng Black Jack para makaipon ng pera for college. Basta, panuorin niyo. Ang ganda nung story.

Tapos nalinis ko na rin pala ung kwarto ko. Ilang buwan na rin ang nakalipas mula nung huling nilinis ko ang kwarto ko. Magoovernight kasi rito ung mga blockmates ko. Kaya ayun, nilinis ko. Hahaha.

Natapos na rin pala ako sa pagaaral ng Math 114. Sa monday kasi ung removal exam namin. Sana sapat na ung pagaaral na ginawa ko para makapasa. Pero bukas magrereview pa rin ako.

At ang pinakamasaya kong nagawa so far ay ang magbike. Ang tagal ko na ring hindi nagbibike. Kahapon e hinalungkat ko ung bike ko sa bodega. Tas tinulungan ako ni Papa na linisin yun. Buti ayus pa yun. Ang tagal ko na rin kasing hindi nagamit yun. Ayun, nagbike ako sa neighborhood namin. Ang sarap talaga ng feeling habang nagbibike. Tapos kanina ay magbibike din sana ako. Kaso nakatulog ako. Oh well, bukas na lang. Hehe.

Ayun. Ito pa lang ung mga pinagkakaabalahan ko rito sa bahay. Ang boring talaga. Wala kasi si Mama. Nagbabakasyon sa States. Di tuloy kami lumalabas. Ang lungkot lang. Hay. Buti na lang magssummer classes ako. At least makakalabas ako ng bahay. ^___^

Thursday, April 9, 2009

Summer Enrollment II

0 comments

Kahapon yung pangalawang araw ng enrollment. At masasabi kong napaka-successful ng araw ko kahapon.

Maaga ulit akong pumunta dahil sa half day lang ang enrollment. Dumerecho na muna ako ng Eng'g para papirmahan sa Dean ang removals permit namin ni Bengga. Mejo nagtagal din ako dun kasi ang tagal magbukas ng Admin. Pagkatapos ay dumerecho ako ng FC para magprerog sa Philo 1. Grabe! Halos walang tao dun. Nakakagulat. Lagi kasing maraming tao pag prerog na. Kaso kahapon wala masyado. Kaya ayun, saglit lang ako dun at nakakuha na agad ako. Pagkatapos ay dumerecho na ako ng Math Bldg. para ipa-cancel ang Math 114 ko. Feeling ko naman kasi ay papasa na ako sa removals.

Tapos ay pumunta na ako ng EEE para tapusin na ang aking enrollment. Pagpasok ko sa VLC ay nakita ko si Alai. Magssummer na pala siya. Pumayag akong samahan siyang asikasuhin yung onse niya. Pero sabi ko na tatapusin ko na muna ung enrollment ko. Ayun, binilisan ko. Natapos ko ang lahat lahat sa loob ng 30 minutes! Hahaha! Bale kulang ko na lang ay magbayad.

Pagkatapos ko ay sinamahan ko na si Alai sa Eng'g. Pagdating namin dun ay nakita namin si Karlo. Tapos hinanap namin ung prof ni Alai. Papakiusapan sana niya ung prof niya na ipasa na siya para di na siya magsummer. Kaso di pumayag yung prof niya. Sayang talaga.

Tapos kumain kami nina Alai at Karlo ng lunch sa Mcdo Katips. Tas sumunod din si Julian. Matagal tagal din kami dun. Grabe lang yung pagsstay namin dun. Sobrang saya! Haha. Pagkatapos dun ay umuwi na kami.

Hay. Salamat talaga at natapos na rin ako sa enrollment. Bayad na lang ang kulang! Woot woot!

Summer Enrollment I

0 comments

Grabe lang yung nangyari sa akin nung enrollment. Sobrang nakakapagod! Pero mas grabe pa rin yung nangyari nung nakaraang summer. Nung nakaraang summer kasi, yung kuhaan ng Form 5 at 5a ay sa Eng'g at hindi sa EEE. Kaya grabe yung pila dun. Parang Wowowee! Hahaha! Buti na lang ngayon sa EEE na kami.

Nung tuesday ang unang araw ng enrollment. Nagsimula ang lahat sa kuhaan ng Form 5 at 5a. Akala namin sa Eng'g pa rin. Kaya maaga akong pumunta. Tapos nagkita kami ni Jorge sa may Eng'g steps. Tas nalaman na lang namin na sa EEE na pala kami at hindi na dun. Kaya derecho kami ni Jorge sa EEE. Pagdating namin sa EEE, nagkita-kita kami nina JE, Troy, Jelo, Kat, Ade, Karlo, John, mga taga Circuit, at marami pang iba.

Pagkakuha ng Form 5 at 5a, pumunta muna kami ni Bengga sa Math Bldg. para magtanong kay Sir Balbuena tungkol sa removals namin. Kaso di namin siya nakita. Kaya bumalik muna ako sa EEE. Pag dating ko roon, hinintay kong makuha nina Jorge at Ade ung Form 5 at 5a nila. Tapos dumerecho na kami sa gym para magprerog sa PE. Nung nasa unahan na kami ng pila, naabutan naman kami ng lunch break. Sayang. Kaya dumerecho na kami sa Eng'g para kumain ng lunch at magprerog sa onse at dose.

Tapos nalaman ko na lang na bagsak ako sa onse. Kaya no choice kundi mag-retake ng onse. Kaso limited slots lang ung meron, kaya nagbunutan ng ID. At swerte! Nabunot ako! Tapos naenlist ulit ako kay Ma'am Cherry. Siya rin ung prof ko nung 2nd sem. Kaya ok na ok ako.

At dun nagtatapos ang unang araw ng enrollment ko. At masaya ako dahil may nangyari naman. Nakuha ko na ang Form 5 at 5a ko. Tapos nakakuha rin ako ng onse. ^__^

Sunday, April 5, 2009

Depressed

2 comments

Grabe! Mga 2 oras pagkatapos ng simula ng bakasyon ko, nadepress na agad ako. Grabe lang. Hay. Di ko na talaga alam ang gagawin ko. Feeling ko parusa ito ng Panginoon sa akin sa lahat ng mga kasalanan kong ginawa. Grabe. Mangiyak-ngiyak na ako nung time na yun. Buti na lang andun sina Rhayne, Karlo, Chet, at Carl para pasiyahin ako. Grabe talaga! Di ko na alam ang gagawin ko. Naiiyak na talaga ako! Umiyak na nga ako nung isang gabi e. At kamusta naman, habang umiiyak ako ay kachat ko si Lorr at katext ko pa sina Alai, Greggue, Mary, at Rhayne. Hahaha. Salamat pala sa inyo for comforting me. Hay. Maayos ko kaya ito? T___T

Palanca Letters

0 comments

Kahapon, habang nagaayos ng mga gamit ko rito sa kwarto, nakita ko yung isang shoe box. Ang laman nun ay yung mga memories ko sa Marist nung high school. Andun ung Loyalty Pin ko, mga luma kong ID's, mga tickets sa fair, high school dance, variety show, etc., mga class pictures, at marami pang iba.

Pero ang pinansin ko talaga dun ay yung mga Palanca letters na bigay sa akin ng mga kaibigan ko bago ang retreat namin nung 4th year sa Antipolo. Ayun, binasa ko ulit yung mga sulat nila sa akin. Natuwa talaga ako sa mga sinabi nila. Hindi ko ineexpect na ganun pala nila ako naa-appreciate. Naalala ko tuloy yung mga nangyari sa amin nung high school. Hay. Nakakamiss lang talaga ang buhay high school, lalo na ung mga kaibigan ko, at mas lalo na yung mga naging bestfriends ko nun. Hay. Miss ko na talaga sila. Nagkahiwa-hiwalay na kasi kami. Minsan na lang kami naguusap at nagkikita. Hay.

Tapos may isang Palanca letter pala akong natanggap habang nasa Antipolo kami. Dinala yun nung adviser namin nung bumisita siya sa amin. Akala ko galing mismo sa kanya. Ayun pala galing dun sa dalawa kong bestfriends na hindi ko kaklase nung time na yun. Nag-update lang sila sa nangyari sa Marist nung araw na iyon. Grabe! Nagulat ako sa nabasa ko! Nagkaroon pala ng away. At sa pagitan pa nung mga bakla. Hahaha! sobrang natawa talaga ako nun. May mga nagkampihan daw. Tas may sabunutan atang naganap. Hahaha! Ayun. Wala lang. Naalala ko lang bigla.

Anyway, ayun. Hahaha. Wala lang. Nag-reminisce lang ako sa ilang pangyayari nung 4th year high school. ^__^

Wednesday, April 1, 2009

EEE by Genesis N. Valencia

3 comments

This poem was written by my friend, Genesis N. Valencia. I really liked it because I was able to relate with it. I hope you guys would like it to, especially students from the EEE Institute. ^_^

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

EEE
by Genesis N. Valencia

I think that I shall never see
An institute like EEE

This is where students so fresh
End up worn out, if not distressed

We all pray to God all day
In EEE, may we all stay

All the suffering we try to bear
To pass is our only care

A five brings us so much pain
Mercy, we plead; but always in vain

This is life for fools like me
And all others in EEE.

munboi.040109

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~