Tuesday, February 24, 2009

Camping

0 comments

Nitong nakaraang weekend ay naganap na rin ang camping namin sa CWTS. At sobrang naenjoy ko ito. Sobrang saya talaga. Lalo na't ang G11 ang mga nakasama't nakabonding ko. Hehe.

Dumating kami sa UPLB ng 10 PM. Inayos muna namin yung tent at mga gamit namin. Pagkatapos ay kumain na kami ng dinner at nakipagbonding sa iba pa naming mga kagrupo. Pagdating ng mga 1 AM ay isa-isa nang natulog ang mga tao. Bago matulog ay nagsipilyo na muna kami nina Jelo at Dondon. At dito nabuo ang CR buddies. Hahaha! Paano ba naman kasi. Sabay-sabay kaming magsipilyo, maligo, magbawas, maghugas ng mga pinagkainan, at pati sa bus ay magkakatabi kami. Hahaha! Nakakatuwa talaga. At masaya ako dahil nakabonding ko sila ng bongga.
Nung sumunod na araw ay guming ang grupo namin ng 4 AM. 9 AM pa ang call time, pero para hindi kami magmadali ay inagahan na namin. Una naming ginawa ay magluto ng breakfast at lunch. Ako, si Jelo at Dondon ang naghanda ng pagkain. Tapos sina Alai, Troy at Kyle naman ang nagsisiga at nagluluto. Pero may mga oras din na kaming lahat ang nagluluto.

Pagdating ng 9 AM ay nagsimula na rin ang aming trekki
ng. Grabe! Simula pa lang ay sobrang nakakapagod na. Di pa naman kami masyadong nakapagwarm-up. Pero sobrang saya pa rin nung experience. Tapos habang nakatigil kami ay umiral ang pagkavain ng aming grupo. Kaya naging VANIteam ang pangalan ng aming grupo. Hahaha! Tapos dun na rin kami nag lunch. Pagkatapos maglunch e nagrappelling naman. Tapos tuloy ulit sa trekking.Natapos kami ng mga 2 PM ata. Pagbalik sa camp ay nagpahinga muna kami saglit. Tapos ay naligo na. Sinubukin na rin naming mag-aral dahil may exam pa kami sa monday.

Nung padilim na ay nagsimula na kaming magluto ng aming dinner. Pagkatapos ay nagsimula na yung mala Singing Bee na kumpetisyon. Ayun, nakakaenjoy din yun. Bonding moments habang nakikikanta sa mga kalahok. Ang pambato ng aming grupo ay sina Kyle at Therese. Si Kyle ang galing. Napaka-heartfelt nung kanta. Si Therese naman ay todo birit! Ang galing talaga nila.

Pagdating ng 11 PM ay natulog na kami. Pagod din kasi kaming lahat. Kinabukasan ay gumising ulit kami ng 4 AM. At ganun pa rin yung routine namin. Kaso di na kami naligo.

Pagdating ng 9 AM ay nagsimula na ang navigation. Parang Amazing Race ito. Binigyan kami ng compass at papel na may nakasulat kung gaano kalayo ang tatahakin namin at kung saang direksyon. Tapos may 20 stations na kelangan naming mapuntahan. Ung iba ay mga tanong lang, habang yung iba naman ay may ipapagawa. Ayun. Sobrang saya
talaga nito. Saka hindi rin kami naligaw. Kaso kinulang nga lang kami sa oras kaya di tuloy namin natapos.

Pagkatapos ng navigation ay kumain muna kami ng lunch. At pagkatapos ay dumerecho na kami sa swimming pool para sa practicals. Isa ako sa mga lalangoy. At ang ililigtas ko ay si Treena. Kinabahan talaga ako nun. Marunong naman ako lumangoy, kaso di ako magaling. Tapos nalaman pa naming ang layo pala ng lalanguyin. Ayun, 1/4 lang yung nalangoy ko. Nagka-cramps kasi ako sa may paa. At nahiya ako ng sobra kay Treena kasi 5/100 lang ang makukuha niya. Tas ako ay 25/100 naman. Pagkatapos nun ay lumipat na kami dun sa isang swi
mming pool para magliwaliw. Tapos bigla kaming tinawag ni Jelo. Kailangan daw namin ulitin yung swimming dahil bagsak kami. Ayun, ginawa ko na lang lahat ng makakaya ko. Ilang beses akong tumigil. At sa awa ng Diyos e natapos ko rin. Ayun, naka 70/100 pa ako. Hehehe.

Pagkatapos ng swimming ay nagayos na kami ng mga gamit namin. Naghanda na kami para umalis. Tapos bumili kami nina Jelo, Alai, at Dondon ng mga bracelets para sa aming mga kagrupo. Tapos ung grupo naman nina JE ay bumili nung mga dolls sinasabit sa cellphone.

Bago umalis ay nag-announce na muna ng mga nanalo. Nanalo si Therese bilang best female singer. Di kami nanalo bilang best group, pero pan
alo naman kami bilang best family! Hahaha. At nung pauwi na kami, tuloy pa rin kami sa pakikipagbonding sa loob ng bus.
At dito na nagtatapos ang aming camping. Napakasaya talaga ng camping na ito. Super naenjoy ko talaga ang karanasang ito. Lalo na't sila ang aking mga naging kagrupo. Ang sarap ulitin ng camping na ito. Di ko talaga ito makakalimutan. Maraming maraming salamat sa saya, lungkot, kwentuhan, asaran, tawanan, at higit sa lahat, ang bonding natin. Maraming salamat! ^_^

Sunday, February 15, 2009

Valentine's Day II

3 comments

May isa pa palang nangyari. Pagkatapos ng exam e nakita ko siya. Ayun. Binigyan ko siya ng Toblerone. Ang nasabi ko na lang sa kanya ay "Happy Valentine's Day!" Tapos umalis na ako. Tapos nung gabi na, nagtext siya sa akin. Salamat daw sa Toblerone at Happy Valentine's din daw. Tapos nagplurk din siya na mas masarap daw ang Toblerone kesa sa Ferrero. Ayun. Haha. Natuwa lang talaga ako sa nangyari. ^_^

Valentine's Day

2 comments

Nagsimula ang lahat sa date namin kay Math 55. Hahaha. Date talaga e no? Hahaha. Ayun. Nakabawi naman ako sa exam na ito. Halos lahat e nasagot ko at kampante ako sa mga sagot ko.

Pagkatapos nun ay nagkita-kita kaming G11, ako, Jelo, Alai, Rhayne, Karlo, Kat, at pati na rin si Lori ay kasama. Nagplano kasi kami ng isang group date. Nung una e hindi pa namin alam kung saan kami kakain. Tapos nag-suggest si Kat na sa Flaming Wings na lang sa Katips. Lahat kami pumayag kaya dun na lang kami kumain. Grabe! Ang sarap dun! Tenders yung inorder naming lahat. At sobrang sarap nun. Sina Kat at Rhayne e ung pinakamaanghang ang inorder. Samantala kami e ung original lang. Tas pinatikim sa akin ni Kat ung Tenders niya. Grabe! Ang anghang! Kaya pala ganun na lang ang reaksyon nila. Hahaha! Pagkatapos ay nagorder naman kami ng dessert. Wicked Oreo ang inorder namin. At sobrang sarap din nun! May vanilla ice cream sa gitna tas may tatlong oreo cookies na may coating na pancake mix ata. Basta ang sarap nun! Nirerecommend ko talaga ang Flaming Wings. Tapos ayun, kwentuhan at picture-picture. Ang saya talaga.

Pagkatapos nun ay nagsiuwian na kami. Sina Kat, Lori at Alai ay bumalik ng UP. Sina Jelo at Rhayne ay sa LRT na dumerecho. Tapos sumabay na ako kay Karlo dahil pupunta pa ako ng SM Marikina dahil andun sina Mama. Tapos ayun, binilhan ako ni Mama ng bagong sapatos at cellphone. Kaya tuwang-tuwa ako. Hehehe. Salamat Mama! ^^,

Ito na so far ang best Valentine's Day ko. Maraming maraming salamat talaga sa lahat for making my day a very memorable one. ^^,

Sunday, February 8, 2009

Rants II

0 comments

Hay. Ano ba itong nararamdaman ko? Pag-ibig ba ito o "obsession" lang? Binabagabag na talaga ako nito. Lagi ko na kasi siyang naiisip. Paggising ko pa lang e siya na agad ang naiisip ko. Hindi nakukumpleto ang araw ko kapag di ko siya nakikita o nakakausap. Lagi ko pang tinitignan ang kanyang friendster at multiply account. Pati ang blog niya e tinitignan ko parati. Parang bang gusto ko malaman ang mga nangyayari sa kanya bawat araw.

Pero may mga panahon din na naiingit ako sa kanya. Naiingit sa kung ano ang meron siya. (Parang ang labo ng sinabi ko) Para kasing ang ganda ng buhay niya. Ang ayos-ayos. Parang gusto kong ganun din ang buhay ko. Hay.

Tapos para bang pinagpipilitan kong maging parte ako ng buhay niya. Yung tipong gusto kong maging kaibigan niya. Hindi basta basta't kaibigan lang, kundi kaibigan talaga. Yung taong andiyan parati sa tabi niya, nakakakwentuhan, natatakbuhan pag may problema.

Ayun. Hay. Pero pakiramdam ko e "obsession" lang ito o kung ano man ang tamang terminolohiya, at hindi pag-ibig. Pero naguguluhan pa rin ako. Ano sa tingin niyo? Nagets niyo ba yung sitwasyon ko? Hahaha. Pasensiya na. Ang gulo ng pagkakakwento ko.

Saturday, February 7, 2009

Free Hug

0 comments

Nakakatawa yung nangyari sa klase namin sa ES 11 nung Biyernes. Maaga pa nun, mga 9:30 AM pa lang ata. At mga 10 pa lang kami sa loob ng silid aralan. Tapos biglang may pumasok na lalaki. May suot siyang karatola at ang nakalagay ay "Free Hug." Tapos bigla na lang kami nagtawanan. Ipinaliwanag nung lalaki kung ano ang meron. Pagkatapos nun ay isa-isa niya kaming nilapitan para bigyan ng "free hug" habang kinikunan ng litrato. Yung 3 naming kaklase na babae ay tawa na lang ng tawa. Hahaha. Ayun. Nais ko lang ibahagi ang karanasan kong ito. Ang sarap talaga ng mga tawa namin nung panahong yun. Hehehe. ^_^

My Cute Niece II

0 comments

Kahapon ay nagpadala na naman ang ate ko ng litrato ni Arya. At natawa ako ng bongga! (lmao) Hahaha! Ang cute cute niya talaga.

Sunday, February 1, 2009

My Cute Niece

0 comments

Nacucute-an talaga ako sa bago kong pamangkin, si Arya. Ang cute cute talaga niya. I can't wait to see her. Hehehe ^_^

Rants

4 comments

Hay. Ang dami talagang bumabagabag sa isip ko ngayon. Hindi tuloy ako makapag-concentrate. Di pa ako tapos sumagot ng mga exercises sa ES 11 at di pa rin ako tapos magaral para sa exam ko sa Art Stud 1. Hay. Bakit kasi ganun? Para bang nagbago bigla ang ihip ng hangin at hindi na niya ako pinapansin. Samantalang todo usap naman siya dun sa iba. E ako? Ni "Hi!" lang e wala e. Di talaga niya ako pinansin buong gabi. Ayun, nainis ako. Edi di ko rin siya pinansin. Tapos kaninang umaga, di pa rin niya ako pinapansin. Di ko rin siya pinapansin. Tapos nagulat na lang ako na pinansin na rin niya ako. Ayun, pinansin ko na rin siya. Hahaha. Alam kong wala akong karapatang magalit sa kanya, pero naiinis lang talaga ako. Di niya kasi ako pinapansin ng bongga e! Nakakapikon lang. Oo! Nagseselos ako sa mga pinapansin niya. Edi sila na ung pinapansin niya! Epal lang naman ako e! Dakilang epal at papansin!

Hay. Ayan. Nailabas ko na rin kahit papaano ang sama ng loob ko. Patawad kung naguguluhan kayo sa mga sinabi ko. Pasensiya na talaga. Wag niyo na rin ako tanungin kung sino yan at kung ano ba talaga ang nangyari. Ayoko na pagusapan yan. Hay. Sige. Alis na ako. Magsasagot na ulit ako (bye)