Monday, September 29, 2008

Kwentuhan

Nangyari ito last Friday, September 26, 2008.

Nagpunta na naman kami nina Alai, Jelo, Karlo, at Rhayne sa SM North para muling bumili ng mga components para sa aming EEE 34 project. After nun, as usual, nag Timezone ulit kami sa Trinoma. Kung ano-ano mga nilaro namin dun. Tas umalis din si Rhayne after a few hours. Hinahanap na daw kasi siya sa bahay.

Tapos kumain kami sa KFC. Lahat kami nag Fully Loaded Meal maliban kay Alai na nag Famous Bowl. Tapos nagkuwentuhan lang kami dun. Pupunta rin sana kami sa open house ng Yakal, kaso di na aabot. So nagstay na lang kami dun. Ayun. Kung ano-ano mga napagkwentuhan namin. Tapos napagdesisyunang lumipat na lang kami sa rooftop, kung saan ung mga restaurants. Pag dating namin dun, naghanap kami ng puwesto. Napansin namin halos lahat nakaupo sa may gilid. So sabi ni Jelo sa may gitna daw kami para maiba. Ayun, sa may gitna nga kami umupo. Tas dahil hindi na namin maalala kung saan kami tumigil ng paguusap, nagbaraha na lang kami.

Tapos nagsimula na naman ung kwentuhan. Tas ang nangyari, parang part 2 ng open forum na ginawa dati sa bahay namin. Tas ayun, naayos na rin ung problema namin ni Alai. So okay na okay na kami. Pati ung issue namin ni Jelo napagusapan at naklaro na rin. Basta. Ang dami pa, kaso di ko na pede ielaborate kung ano yung mga yun.

Tas balak naming umuwi at around 8 PM. E napasarap sa kwetuhan. So ayun. 11 PM na kami umalis dun. Tas pagdating namin sa sakayan papuntang UP, ang haba! Edi naghintay kami. Tas tinanong na rin namin para sure kung papuntang UP nga yun. Hindi na pala. Edi taxi next choice. Ang dami ring naghihintay. So naglakad na lang kami. As in nilakad namin from Trinoma to Philcoa. Kamusta naman yun diba? Haha! Pero ang saya pa rin. Tas imbes na nagleft kami sa may circle para mas maiksi na lang ung lalakarin, nagright kami! Hahaha! Nag long cut tuloy kami. Hahaha. Tas pag dating namin sa Philcoa, nagtricycle na si Jelo papuntang boarding house niya. Tas hinintay namin ni Karlo na makasakay ng bus si Alai. Tas nagtaxi na kami ni Karlo pauwi.

Ayan ang nangyari samin nung friday. Nakakapagod, pero super saya pa rin. Basta ung highlight ng gabing ito ay ung kwentuhan. Hehe.

3 comments:

Mike said...

okeei. hahaha


sige na lang tlga.

munboi said...

"Kung ano-ano mga nilaro namin dun."

OMG. This sentence is soooo R18. Hahaha.

Patrick said...

Gens!

wahaha! grabe ka naman! :)) xempre wholesome ung mga nilaro namin dun.. hahaha!