Monday, September 29, 2008

High School Friends

0 comments

Last night was one of the best nights I had with my high school friends.

Jansie and Reyson (2 of my close friends in Marist), went to my house last night. It was supposedly only Reyson that would come because he was gonna borrow my 3rd year English book. But earlier that day, while I was having my exam in EEE 33, he texted Jansie and asked if he could teach him about Windows Movie Maker. And he also texted me if I could teach him. So I said okay, but I'm not good at it. So when I got home and opened my YM, I received a PM from Jansie. He was asking if Reyson was already here. And I said no and asked him if he would also like to come to my house. He said okay. So later that night, Reyson and Jansie arrived. Jansie was teaching Reyson how to edit videos while I was preparing for my interview the next day. After teaching, Reyson found our yearbook on the table. So he grabbed it and started to flip the pages.

And this was where it all started. Reyson was giving comments on every person he saw. He was telling us stories and updating us with what was happening to them. Jansie was also doing the same. I was really shocked with what happened to our classmates. I didn't thought that they would end up like that. But for some, I wasn't surprised anymore. Then we started reminscing on our high school life. We were enumerating all the memories we had during high school, may it be funny or sad. Gosh. We really miss it, especially our teachers, like Mrs. Garlit and Ma'am Ginnie. And then we started talking about our college lives. On how it was very different from our high school life. We were laughing and talking the whole night. Updating ourselves with the latest happenings with our classmates. It was truly a fun and memorable night.

And at around 11 PM, they left.

Kwentuhan

3 comments

Nangyari ito last Friday, September 26, 2008.

Nagpunta na naman kami nina Alai, Jelo, Karlo, at Rhayne sa SM North para muling bumili ng mga components para sa aming EEE 34 project. After nun, as usual, nag Timezone ulit kami sa Trinoma. Kung ano-ano mga nilaro namin dun. Tas umalis din si Rhayne after a few hours. Hinahanap na daw kasi siya sa bahay.

Tapos kumain kami sa KFC. Lahat kami nag Fully Loaded Meal maliban kay Alai na nag Famous Bowl. Tapos nagkuwentuhan lang kami dun. Pupunta rin sana kami sa open house ng Yakal, kaso di na aabot. So nagstay na lang kami dun. Ayun. Kung ano-ano mga napagkwentuhan namin. Tapos napagdesisyunang lumipat na lang kami sa rooftop, kung saan ung mga restaurants. Pag dating namin dun, naghanap kami ng puwesto. Napansin namin halos lahat nakaupo sa may gilid. So sabi ni Jelo sa may gitna daw kami para maiba. Ayun, sa may gitna nga kami umupo. Tas dahil hindi na namin maalala kung saan kami tumigil ng paguusap, nagbaraha na lang kami.

Tapos nagsimula na naman ung kwentuhan. Tas ang nangyari, parang part 2 ng open forum na ginawa dati sa bahay namin. Tas ayun, naayos na rin ung problema namin ni Alai. So okay na okay na kami. Pati ung issue namin ni Jelo napagusapan at naklaro na rin. Basta. Ang dami pa, kaso di ko na pede ielaborate kung ano yung mga yun.

Tas balak naming umuwi at around 8 PM. E napasarap sa kwetuhan. So ayun. 11 PM na kami umalis dun. Tas pagdating namin sa sakayan papuntang UP, ang haba! Edi naghintay kami. Tas tinanong na rin namin para sure kung papuntang UP nga yun. Hindi na pala. Edi taxi next choice. Ang dami ring naghihintay. So naglakad na lang kami. As in nilakad namin from Trinoma to Philcoa. Kamusta naman yun diba? Haha! Pero ang saya pa rin. Tas imbes na nagleft kami sa may circle para mas maiksi na lang ung lalakarin, nagright kami! Hahaha! Nag long cut tuloy kami. Hahaha. Tas pag dating namin sa Philcoa, nagtricycle na si Jelo papuntang boarding house niya. Tas hinintay namin ni Karlo na makasakay ng bus si Alai. Tas nagtaxi na kami ni Karlo pauwi.

Ayan ang nangyari samin nung friday. Nakakapagod, pero super saya pa rin. Basta ung highlight ng gabing ito ay ung kwentuhan. Hehe.

Thursday, September 25, 2008

Confused

5 comments

Hay.. Ang daming pumapasok sa isipan ko ngayon.. Parang ang dami kong problema.. Hindi ko alam kung kanino ko sasabihin ang mga ito.. So dito ko na lang ilalabas ang mga saloobin ko..

> Hay.. Eversince nagkabati na kami, parang wala ring nagbago nung panahong magkakagalit kami.. Nagsasama na nga kami, pero hindi na tulad ng dati.. Naguusap na nga kami, pero hindi na rin tulad ng dati.. Tapos hindi ko alam kung ako ba ung lumalayo sa kanila o sila.. Napaparanoid na nga ako e.. Naiisip ko kasi na may something pa rin e.. Alam niyo un? May "ilang" factor na.. Hay.. Itinuring ko pa naman silang "close friends" ko dito sa UP.. At hanggang ngayon, ganun pa rin ang turing ko sa kanila.. Un nga lang.. Feeling ko hindi na ganun ung turing nila sa akin.. Maybe I'm just "one" of their friends na lang.. Hay.. Kung mabasa niyo man to.. Aun.. At least alam niyo na kung ano ung nararamdaman ko.. Sorry sa pagiging emo.. Feeling ko after niyo mabasa to, "whatever!" na lang ung masasabi niyo sa akin.. Feeling ko lang yun.. Anyway.. SORRY dahil ganito akong tao.. Tinatry ko naman baguhin ung pagaasal ko e.. Pero.. Ang hirap e.. Ganito na talaga ako e..

> Isa pa.. Ung taong tinutukoy ko dun sa "Feeling Close".. Ayun.. Ewan.. Ang labo kasi e.. Ang hirap iexplain.. Para bang pabagobago.. May times na okay.. May times naman na hindi.. And SORRY din pala kasi ang boring kong kausap.. Tuwing magkasama kasi kami, ang tahimik.. Pero pag may iba nang tao.. Ayun.. Umiingay na ulit.. Basta.. In short, wala akong kuwentang kausap.. Kaya siguro hindi rin niya ako masyadong kinakausap.. Parang kanina, naiwan lang kami 2 ng saglit.. Tas ayun.. Wala nang imikan.. Hay.. Sorry talaga ha.. Di naman kasi ako palakuwento e.. May times lang na maingay ako.. So ayun.. Pasensya na ha.. Saka sorry dahil sobrang kulit ko sa iyo.. Feeling ko after mo mabasa to, magegets mong ikaw ung tinutukoy ko..

> Tas dun naman sa isa ko pang kaibigan na tinuturing ko ring "close".. Ayun.. Feeling ko rin naiinis na siya sa akin.. Sorry talaga.. Sa kanya kasi ako tumatakbo ngayon kapag may problema ako.. Minsan kay "Feeling Close" din.. Tapos ayun, maiinis siya.. Bakit daw ba kasi ako ganito.. Sorry.. Sorry sa inyong 2.. Wala na kasi akong ibang matakbuhan.. Kayong 2 lang talaga.. At salamat sa inilalan niyong oras para sa akin..

> Ayun.. Nafifeel ko rin ang pagiging loner.. Pero nasanay na akong ganito kasi may times na ganito ako nung high school.. At ang sabi ko sa sarili ko.. Parang nung high school lang.. Pero, iba ung nararamdaman ko ngayon e.. Alam niyo yun? Naging attached na kasi ako sa kanila e.. Nasanay ka na akong andyan sila parati sa tabi ko.. Tas ngayon, bigla na lang silang nawala.. Hay..

Hay.. Grabe.. Sorry sa pagiging emo ko.. Gusto ko lang ilabas ung saloobin ko..

> Sa inyong 2.. Sorry talaga.. Sana bumalik na ung dati.. Pero feeling ko hindi na.. Mukhang forever na ung lamat.. But i'm hoping na bumalik ung dati.. ^_^

> Sa inyong 2 naman.. Maraming maraming salamat dahil andyan kayo sa tabi ko.. Kahit naiinis na kayo sa akin.. Pinagtiyatiyagaan niyo pa rin ako.. Salamat! ^_^

Ayan.. Sorry kung ang emo at ang labo ng post ko ngayon..

Saturday, September 20, 2008

Rappeling and Overnight

2 comments

Ayun. Kwento ko lang ung nangyari last monday, September 15, 2008, the day after our field trip.

May make-up PFT at TD ng CWTS kasi kami nung araw na ito. 7 AM ung PFT tas 8-11 AM at 1-4
PM ung rappeling. So mga 7:30 AM na ako nakarating. Pag dating ko, kakatapos lang nila tumakbo. E sa push-ups at sit-ups na lang naman ako may kulang. So pinag sit-ups at push-ups na agad ako. Ayun. 34 ang minimum para sa mga lalaki. At saktong 34 ang nagawa ko para sa dalawa. Ang galing nga e. Tas after nun nagrappeling na kami. Kasama ko na nun sina Troy, Greggue, Treena, Tina at Dondon. 2 beses lang ako nakapagrappeling nung umaga kasi ang dami nung tao. Tas tinuruan na rin kami nung types of transfer at carrying. Grabe! Mas pinawisan pa kami dun sa transfer at carrying kesa sa rappeling. Tas nag lunch na kami ni Greggue. Tas bumalik kami ng mga 1 PM tas kasama na namin nun si Jelo. Tas ang konti na lang rin ng dumating nung hapon. Mga less than 10 lang kami. So mas naenjoy ko ung sa hapon kasi mas mabilis. Nakailang akyat-baba ako. Bale napraktis ko na ung walk down, fade away at belaying. Tas bigla kaming tinuruan ng one man under. Ayun. Partner kami ni Jelo. Ako ung rescuer tas siya ung victim. Grabe. Nakakatakot siya sa una. Nakakakaba rin. At sobrang nakakangawit kasi 2 na ung hawak mo, ikaw saka ung victim. Tas ayun. Nakababa naman kami ng maayos. Enjoy naman. Hehe.

Tas after nun. Nakapagusap na rin kami nina Gens at ate April. So ok na kami.

And then, niyaya kong pumunta sina Gens at Michaelle sa bahay namin. Tas ayun. Hanggang 11:30 PM sila dito. Tas natulog na ako ng 12 MN. Tas bigla akong nagising ng mga 1:30 AM. Tumatawag pala si Michaelle sa cellphone ko. Ayun. Nastranded daw sila sa Philcoa at kung pede raw ay dito muna sila tumuloy samin. Sabi ko naman ok lang. Tas nakatulog ulit ako after nun. Tas nagising ako ng mga 2:30 AM. Si Gens naman ung tumatawag. Kanina pa pala sila nasa labas ng bahay. Mga 15 minutes na ung nakakalipas. So ayun, pinapasok ko na sila tas ikiniwento na nila ung nangyari sa kanila. Ayun. Nakonsyensa naman ako. Sana pala hindi ko na lang sila pinapunta sa bahay para hindi na sila nagkaroon ng problema. Tas ayun. Natulog na kami ng mga 3 AM. Tas pumasok na kami after a few hours. Ayun.

Feeling Close II

0 comments

Ayun. Dagdag ko lang.

Sabi nung kaklase ko na baka masyado lang daw akong assuming. At naisip ko rin un. Kasi nga, parang biglang naging ok ulit kami. Haha! Ayun. Wala lang. So feeling ko ngayon ay inaassume ko lang na ganun ung iniisip niya tungkol sakin. Ayun lang.

Friday, September 19, 2008

Feeling Close

9 comments

Hay..

Naiinis talaga ako sa sarili ko. Feeling close kasi ako sa kanya. Well, gusto ko naman siya maging kaclose. Pero nararamdaman ko kasi na ayaw niya. Sa text pa lang e, pinuputol na niya agad. Tapos kapag magkakasama kaming barkada, obvious na mas gusto niyang kausap ung iba kesa sa akin. Well I can't blame you. Ayan ang gusto mo e. Wala na akong magagawa dun. And I respect that. Inisip ko lang naman kasi na sa dami na ng nangyari ay pwede na tayong maging close. Ayun. So if ever you'll be able to read this, I just wanna say that I'm SORRY. Nararamdaman ko kasi na naiinis at naiirita ka na sa akin. Ayun. Sorry ulit.

Thursday, September 18, 2008

Fortune Cookie

0 comments

Nung pauwi na kami from Mango Camp, nagstay muna kami sa Subic for a while para bumili ng foods. Bale pinatake out na lang samin ung foods at sa bus na lang daw kumain para mabilis. Ayun. Naghiwahiwalay kaming lahat. Ang dami kasing pagpipilian. Tas ako, si Alai at Marvin ay nagpunta sa Chowking. Tas parepareho kaming lahat ng inorder, Beef Chao Fan. Tas si Alai nagpadagdag ng buchi. Tas nakita ko rin na may fortune cookies sila. E hindi ko pa nattry un. So nilibre ko silang 2. Ayun. Kanya kanya kami ng kuha. Tas ang galing! Sakto ung mga nakasulat sa loob. Ang galing galing. Ito ung nakasulat sa akin:

"Do not let a little dispute injure a great friendship."

Ayun. O diba? Sakto para sakin diba? Hahaha! Ayun. Pinakita ko kay Alai at nagtawanan na lang kami. Hehe. Ayun. Natuwa lang ako. Sige. Un lang.

Wednesday, September 17, 2008

Geog Camp

2 comments

Wooot!

Field trip namin sa Geog 1 nung September 13-14, 2008 sa Mango Camp in Zambales. Grabe! Super saya! Kasama ko nun sina Alai, Kat, Marvin at mga Geog1 classmates namin, plus ung ibang pang handle ni Ma'am Ocampo. Umalis kami sa UP at around 6:30 AM. Papuntang Zambales, nagsimula nang umulan. Sa bus pa lang nageenjoy na kami. Nanood kami ng mga movies. Tas may karaoke din. Haha. Grabe ung mga kanta. Puro love songs! Hahaha! Pero ok pa rin naman. Hehe.

Tas dumating kami sa Mango Camp at around 11:30 AM ata. Ayun. Ang lakas ng ulan nung time na un tas wala pang signal ang Globe nun. Si Marvin lang ata ung meron samin. Pagdating namin dun, pumunta muna kami sa may multi-purpose hall nila. Inexplain muna samin ung mangyayari, then inassign na kami sa aming mga cottages. Sa kagandahang palad, napunta ung section namin sa pinakamalaking cottage so sama-sama kaming lahat. Then pinuntahan na namin ung cottage namin. Grabe! Ang ganda! 2 floors ung cottage. Ung mga kama sa baba ay mga double deckers tas ung sa taas naman ay mga matresses na tabi-tabi. So karamihan nung mga girls ay nagpunta sa taas and the rest ay sa baba na. Ung pinili kong higaan ay ung sa taas ng isang double decker bed.

After namin mag feel at home, bumalik na kami sa multi-purpose hall para maglunch. Then nagform na kami ng groups. Sa kasamaang palad, napilitan ang section namin na maghiwalay dahil masyado kaming marami para sa isang group. So ayun, naging kagrupo ko pa rin sina Alai, Marvin and Kat. Then after nun, bumuo kami ng cheer. Grabe! Naging pep squad ung aming grupo. May mga magtutumbling at ililift. Hahaha. Ayun, then after namin magpraktis, bumalik muna kami sa cottage para magpahinga. Tapos nagsign-up na rin kami kung saang event kami magpaparticipate sa gagawing "Amazing Race" after nung "cheerdance competition". Ayun, dun ako sa Rope and Swamp.

Then nung 1:30 PM na, bumalik na kami dun sa hall para sa mga presentations ng mga cheers. Kami pala ung huling magperperform ng cheer. Ayun, nakakatawa naman ung mga cheers ng ibang grupo. Lalo na nung Dugong Berde. Grabe! Nakakatawa talaga ung ginawa nila. Hahaha! Then after nun, nagsimula na ung Amazing Race.

Sa Amazing Race, dapat lahat kami ay magstay sa loob ng rope puwera na lang kung ung taong un ay manlalaro sa event na un. Tas umuulan pa ng bonggang bonga. Haha! Kaya more challenging. Napagdesisyunan din na magpaa na lang kami kasi ang hirap gumalaw kapag naka slippers. Ang dali kasing mastuck sa putikan.

So ang unang ginawa namin ay pumunta sa paintball area para hanapin ung clue. Tas nung makita na namin ung clue, ang nakalagay ay "swamp and rope". So dun na kami agad dumerecho. Ang mangyayari pala dun ay tatawid kami sa 10 FEET DEEP na swamp using the two ropes na nakatali na. Bale maglalakad kami sa isang rope habang nakahawak sa rope sa taas. Ayun. Isa ako sa mga gagawa nun. Grabe. Nakakatakot. 10 feet deep nga kasi. Pero may life vest naman kami. Then after nun sa may obstacle course naman kami. Then sa basketball court. Nadulas pa si Ken at nagkasugat. Then sa paintball naman. Tas sa airsoft. Tas sa swimming pool. Tas ung ATV. Then ang last event ay ung pig hunt. Sabay sabay ang lahat ng grupo. Ang mangyayari pala dun ay may isang representative bawat group at nakablindfold sila. Then kailangan lang nilang mahawakan ung pig for at least 3 seconds. Ayun. Grabe. Nakakatawa sila. Hahaha! Saming grupo lang pala ung babae ang representative, si Nikki, tas the rest puro lalaki na. O diba? Alam na! Haha! Tas ayun. Two groups ung nagtie. Ung samin saka ung isang grupo na kasection din namin. Haha. At dun na natapos ang Amazing Race.

After nun ay free time na. Feel free na raw na gamitin ung mga facilities dun. Ayun. Una naming nilaro ay ung paint ball. Bale 2 teams kami, 9 people per group. Kasama din namin si Ma'am Ocampo. Haha. Ayun. Natanggal lang ako dahil naubos na ung bala ko. Wala pa kong natamaan. :( Anyway, ayun, tie kami. Haha! Then after nun, ATV na sana ung sunod naming gagawin. Kaso ang daming taong nakapila tas 3 lang ata ung gumagana tas sirain pa. So nagpahinga na lang muna kami habang ung iba ay nagswimming. Tas ayun, dun na rin ako nakahanap ng chance na makausap sina Alai at Kat sa wakas. Ayun. Naayos na rin ung mga problema at misunderstandings namin.

Inabutan na kami ng gabi. Mga 7 PM na ata kami pumunta sa hall para magdinner. Tas ayun. May shinare din pala si Sumin na laro. Ung paluan. Nakakaenjoy naman. Hehe. Un nga lang, pag si Sumin na ung papalo. Grabe! Mamamanhid ung kamay mo sa sobrang sakit. So ayun, nagdinner na kami. Nakakatuwa kasi nagbobonding kaming lahat. Then unti-unti nang umaalis ung ibang mga grupo. Bale 2 groups na lang ung naiwan, ung section namin. Tas pumayag pa si Ma'am na magkaraoke for free ska maginuman. Ayun. So nagstart ng magkaraoke ung iba while ung iba naman ay naginuman na. Tas grabe si Aldrin sa karaoke! Nabaliw ako nun e. Vinideohan ko nga siya e. Grabe naman kasi ung pagkakanta niya. Matatawa ka talaga! :))

Tas si Marvin pala ay kasama dun sa inuman. Ayun. Nalasing. Nagdrama kay Alai. Hahaha! Nakasama rin pala nila si Sir Placino sa inuman pati na rin sa karaoke. Hehe. Ayun pa pala. Sinamahan ko kasi si Ken sa cottage namin kasi nga lasing na siya at baka kung saan pa siya mapadpad. Pagbukas niya ng pintuan. Biglang nagsigawan ung mga tao sa loob. So naisip namin kami ung tinatakot. Un pala sila ung natakot samin. Pano ba naman kasi, nakapatay lahat ng ilaw tas nagtatakutan. Haha!

Tas ayun. Ang naiwan na lang sa hall ay ako, Alai, Marvin, Ken at sir Placino. Tas inanalalayan ni Alai sina Marvin at Ken pabalik ng cottage kasama ako at si sir. Ayun. Matutulog na dapat ako nun. Kaso narinig ko si Marvin na nagkwekwento kay Alai. Ayun. Nalaman ko lahat. Haha! Hindi ko na ieelaborate kung ano man ung mga sinabi niya.

Tas after nun, nakatulog na ako. Tas nagising ako ng mga 1:30 AM. At gising pa rin ung mga nagtatakutan. Grabe! 1 hour akong gising nun kasi pati ako natakot. Pano ba naman kasi. Ako lang ung magisa sa taas ng mga kama. Lahat sila nasa baba. Ayun. Tas nakatulog na rin ako nung iba na ung pinaguusapan nila.

Then the next day. Paggising ko, sobrang lamig. Akala ko naman hanggang labas. Un pala dahil lang sa air-con. Paglabas sobrang init na. Ayun. So nag breakfast na kami. Then after nun, may time pa. So nag wall climbing na kami. Then after nun ay sa ATV naman. Grabe! Super enjoy un! Naligo kaming lahat sa putikan! Hahaha! Buti na lang pala at umulan. Mas enjoy pala pag ganun. Then nagswimming na kami after. Then naghanda na kami para umalis.

Before kami umalis, nagaward na ng mga nanalo. Hindi kami nageexpect na mananalo. So ung nanalo sa cheerdance ay ung Dugong Berde. Tas ung nanalong team naman overall ay KAMI! Ang galing nga e. Nagulat kaming lahat. Hindi namin ineexpect. Ayun, so binigyan kami ni ma'am ng mga necklace saka +5 sa final grade. O diba? bongga! Haha.

Tas ayun. Umuwi na kami. Mga 12 PM na ata kami nakaalis dun. Then naglunch kami sa Subic. Dumaan na rin ng Royal Duty Free. Then derecho na pauwi. Dumating kami sa may Philcoa at aroung 6 PM. Tas ayun. Sabay na kami ni Marvin papuntang UP.

At dito natatapos ang aming field trip. Grabe! Isa na ito sa pinakamasayang field trip. Super saya at todo bonding talaga kaming lahat. Hehe.

Bittersweet Talents Night

2 comments

Natapos na rin ang Talents Night sa wakas! After all of the preparations made, the overnights, the practices, and the hardships, natapos na rin!

Un nga lang. Ang bittersweet nun para sa akin. Ang talents night pala namin ay ginanap nung September 12, 2008 sa Vinzons Hall.

Ayun, kwento ko muna ung bitter part nung talents night. Ang main role ko kasi ay sa part ng American Idol. Bale kakanta ako dun. Two songs pa. Tas ung kakantahin ko ay Wherever You Will Go ng The Calling at Time of My Life ni David Cook. Ayun, nagpraktis naman ako ng maigi. Tas ewan ko kung anong nangyari. Ung una ko pa lang kakantahin ay Wherever You Will Go. Edi turn ko na para kumanta. Ayun, kumakanta lang ako as usual. Then habang kumakanta ako, nagtataka ako kung bakit ako sinasabayan ng mga mems (ung audience). Tas yun pala, nauuna ako sa music! Grabe! Nagpanic ako nung time na un. As in ninerbiyos ako agad at hindi na ako makagalaw sa aking puwesto. Grabe! Hiyang hiya ako nung time na un. Tas after nun, akala ko makakabawi pa ako sa second song ko. Kaso pinutol na, hindi na kami pinakanta nung second song. Ayun. Sayang. Un na nga lang kasi ung shining moment ko. Tas nagkalat pa ako. Pero looking on the brighter side, naappreciate ni Gigi ung boses ko. Nagulat nga ako e. Taga Concert Chorus kasi siya. Ayun. Isasali raw niya ako sa Awitan sa Eng'g Week. Ayun. Natuwa naman ako dun. Hehe.

Ung sweet part naman ng talents night ay lahat! Grabe! Napakasuccessful talaga nung talents night namin. Hindi nga kami masyading binara nung mga mems e. Tuwang tuwa pa sila. Kaya ayun. Sulit na sulit talaga lahat ng paghihirap na ginawa namin. Pinakamabenta ata dun ay ung Pampers at A1. Haha! Ang galing talaga! Nakakatuwa!

Thursday, September 11, 2008

Walang Tulugan

0 comments

Hay..

Wala lang. La akong magawa e. Tulog na ung mga kasama ko maliban kina JE at Marvin. Kaso nasa sala sila at naglalaro ng PSP. Tulog na rin malamang ung mga katext ko. At ako naman, nawala na ung antok ko. Hahaha!

Ayun. Siya nga pala. Kaya pala sila nagovernight ay dahil sa Talent's Night namin. Gumawa kami ng props (na hindi rin natapos) at nagpraktis din ng sayaw ung iba. Ung sa acting part naman namin ay di pa napapraktis dahil kanina lang natapos itype. At bukas na ang Talent's Night. Kamusta naman ung diba? Hahaha! Goodluck na lang samin. Hahaha!

Anyway. Ayun. Ngayon ko na sila dapat kakausapin. Kaso hindi ako makahanap ng chempo kanina. Tas nung nasabi ko na kung pede kami mag-usap. Ayun. Ayaw niya. Mamaya na lang daw. Hay. Partly nakakainis. Pero wrong timing din naman kasi ako dahil matutulog na. Anyway. Ayun. Di ko alam kung ano nang mangyayari samin. Di ko alam kung magkakaayos ba o hindi. I'm just hoping for the best.

Hay. Ano pa bang pede kong ikwento? Ayun! Field trip na pala namin sa Saturday. Sa Zambales kami pupunta. Ung Geog Camp. Hehe. Excited na ako! Kaso yun nga. Nagkaproblema nga so baka hindi ko rin masyado maenjoy. Parang ang awkward kasi ng dating. Parang kanina lang nung klase namin. Kaming 3 pa ung magkakagrupo. So ang awkward talaga. Anyway, bahala na.

Hmm.. Ano pa ba? Ayun! Itinatag pala namin nina Karlo, Jelo at Rhayne na every wednesday ay Kikiam Day! Hahaha! May tindahan kasi sa UP na nagtitinda ng kikiam. Tas mura na, marami na, masarap pa! Kaya ayun. Hehe. Bali parang magiging ritual na namin un every wednesday. Hehe.

Ayun. So far, bittersweet ang linggong to para sakin. Kasi ayun nga, may away. But on the brighter side, sabi nga nung kaibigan ko, at least nakakabonding ko naman ung ibang mga tao.

Hay. Ayun. La na ako maisip pang sabihin. Baka matulog na ako. Kaso saglit lang. Mga 30 minutes lang siguro. Ayun. Sige. Hanggang dito na lang muna.

Monday, September 8, 2008

Define Haggard

3 comments

Grabe!

Define Haggard! Napakahaggard ng araw na ito. Mga 1:30 A.M. na ako natulog kanina dahil nag-aral pa ako para sa UPCAT (U.P. Circuit Application Test). Tas 5:30 dapat ako gigising, kaso pag dating ng 5:30, sobrang antok pa rin ako, kaya 6:00 na lang ako gumising. Ayun, pag gising ko, nagpanic ako. Kasi 8:00 A.M. daw ung start, e kailangan ko ng 2 hours para magayos at pumunta sa U.P. Tas biglang nag GM sina Kat at Lambert na minove na to 9:00 A.M. ang start. Edi ok na ako. Dumating ako sa tambayan ng before 9:00 at 3 pa lang kaming mga applicants ang nandun. Ako, Nikko at Atan. Ayun, mga 9:30 na dumating ung iba. Tas nagstart na kami.

Ang UPCAT pala namin ay hindi written. Ginawa nilang mala Amazing Race. Tas 3 members per team. Bale ang mga naging kagrupo ko ay sina Inah at Nikko. Ayun, binigay na ung unang clue. May kinalaman sa squEEEze. Edi pumunta kami sa NISMED. Pag dating namin dun walang tao. Edi balik kami sa EEE. Wala rin. Tas bumalik kami ulit sa NISMED. Nilibot na namin ung buong building. Tas paglabas namin, ayun, nakita namin sina kuya Cocoy at ate April. Sila pala ang in-charge dun. At ilang beses din namin silang nadaanan sa EEE. Hahaha! Grabe! Pinakauna pa lang at pagod na pagod na kami. Tas sinagot na namin ung mga tanong nila. Ung next clue ay may SILENCE. So sa Eng'g Lib 2 kami pumunta. Then after nun may IT ung clue. So sa CSRC naman. Doon, pinarecite samin ung Preamble. Bale ang mangyayari ay one word per member, at kasama na dun ung mga punctuations and may time limit na 5 minutes. Ayun, ilang beses din kaming nagkamali at hindi rin namin natapos dahil naubusan ng oras. Next clue naman ay may TERMINAL. So sa Vinzons kami nagpunta. Doon naman, Pinoy Henyo ung style. Si Inah ung huhula tas kami ni Nikko ang sasagot ng oo at hindi. At ang nakuhang pahuhulaan ay ung German Yia Hall. Tas ayun, hindi pala alam ni Inah kung saan un. Sayang. Nung umaga pa lang kasi e tinanong na namin sa mga mems kung saan yun habang wala pa ung iba. Tas sayang. Ayun. So hindi namin nakuha. Then ung next clue ay may DEEP. So Sunken Garden ang inisip namin. Tas ang tagal naming naghanap dun. Naabutan na rin kami nung grupo nina Kat. Tas nakita namin si Kuya Chow. Nasa kabilang dulo pala. Then ung next clue ay may BORN. So inisip namin baka ung German Yia Hall since doon ung unang tambayan, or sa Health Service. So una na naming pinuntahan ung German Yia Hall. Wala kaming nakitang tao. Edi dumerecho kami ng Health Service. Wala rin. Edi bumalik kami sa German Yia Hall. Inikot na namin ung buong lugar. Grabe! Sobrang pagod na pagod na kami nun. Ang creepy pa pala sa loob nun. As in! Nakakatakot! Hahaha! Tas nalaman na lang namin na umalis na pala si Kuya Jade dun. Edi tinext namin siya at nakipagkita na lang sa tapat ng NEC. Then sa may Eng'g ung sunod. Then after nun sa may Ampitheater. Tas doon nagtanong silang ng 3 tanong. Ung unang tanong di namin nakuha. Ung pangalawa naman nakuha namin. Tas ung pangatlo. Hahaha! Ung pangatlong tanong kasi ay saan daw nakaturo ung ari ni Oble. Edi sumagot naman kami ni Inah ng west. Tas biglang nagtanong si Nikko. "Erect po ba?" Wahaha! Ayun. Nagtawanan kaming lahat. At dahil dun, nakaperfect kami sa station na un. Hahaha! Pamatay talaga ung tanong ni Nikko e. At ayun pala ung hinahanap nilang sagot. Hahaha! Then ung last station ay sa tambayan na. Tas kami na pala ung huling team na dumating. Tas ung grade namin ay 63% ata. Ayun.

Then kumain kami sa CS Canteen. Tas dapat pala may CWTS kami nung hapon. Umulan kasi nung sabado kaya hindi kami nakapagrapelling. Tas sabi ni Marvin na sabi raw ni Donn na hindi na raw tuloy. Pero hindi pa yun sure. Kaso si Alai umuwi na tas si Jelo hindi na rin pupunta. Saka masakit na rin ung katawan ko. So hindi na rin ako pumunta at umuwi na. Ayun. Tas nung pauwi na ako, nakatext ko sina Jelo at Michaelle. At ayun, mejo mahabahaba rin ung mga usapan namin. Hehehe. Sikreto na lang ung mga pinagusapan namin. Basta. Ang dami kong na-realize dun. Hehe.

At ayun, paguwi ko, natulog na muna ako. Sobrang pagod ako. Tas eto na, nagttype ng 2nd entry ko sa blog. Hehe.

Hanggang dito na lang muna. (",)

Sunday, September 7, 2008

Welcome!

0 comments

Hello!

This is my first time to make a blog. I don't have any experiences with this. And I'm not also good at writing. So I hope you would be able to cope with me. Anyway. I hope that I could post as often as I could cause I'm kinda busy. Hahaha!