Friday, October 30, 2009

Overnight Galore

Ang ganda talaga ng sembreak ko. Puro overnights! Hahaha!

October 22-23: Nagovernight sina Greggue at Neil Mark sa bahay namin para gumawa ng MP. Biglaan lang to. As in out of the blue, naisip ni Greggue na magovernight. Haha. At ayun, wala rin kaming nagawa. Pagdating namin sa bahay, nagayos muna kami, naginternet, nanood ng TV. Tapos nung madaling araw na,
nakatulog si Greggue. Di na namin siya nagising. Pinagaaralan pa rin namin ni Neil Mark kung paano gawin. At nung hindi ko na talaga kaya ay natulog na ako. Pati si Neil Mark ay natulog na rin.

Nung sumunod na araw, wala na rin kaming nagawa dahil di na kami makaconnect sa server. Kaya ayun, parang wala lang yung overnight na yun. Wala rin kaming nagawang productive.

October 24-25: Debut ni Joan to sa Laguna. Pupunta dapat ako
kaso di rin natuloy. Ginawa ko kasi yung MP. Kaso wala ring nangyari sa MP ko. Konting-konti lang yung nagawa ko. Somehow nasayangan ako. Iniisip ko na sana pumunta na lang ako sa debut niya. Nagenjoy rin kasi lahat ng pumunta run. Sobrang wasted pa nung mga tao. Haha! Pero ok na rin na di ako nakapunta. At least naasikaso ko yung despedida ni Troy.

October 26-27: Ito yung despedida ni Troy. Sa susunod na entry ko na lang ikkwento yung mga nangyari rito. Sobrang dami kasi. Hehe.

October 29-30: Ito yung pinakahuling overnight sa ngayon. Sem planning ng fin ito. At as usual, sa bahay namin nagovernight. Konti lang kami. Ako, si Kat, kuya Jet, Karlo, at Gigi. Di na nakapunta si Chet kasi ginabi na siya ng uwi mula sa probinsiya. Tapos si K
arlo naman hindi nagovernight. Ayun, bale lima lang kaming gumawa ng mga plano. At masasabi ko namang naging productive ang overnight na ito. Natapos namin ang mga kailangang gawin. Good job talaga! Haha.

Ayan. Haha. Puro overnight diba? Hahaha! Overall, masasabi kong naging masaya ang sem break ko. Ang daming masayang nangyari. May mga pangyayari pang hindi ko ineexpect. At dun ko rin na-realize na namiss ko pala sila ng sobra. Namiss ko yung presensiya, pagsama at pakikihalubilo sa kanila.

Haaay. Magsisimula na ang second sem. Sana naman maging masaya at maayos ang sem na ito. Wala na dapat akong ibagsak. GC mode na dapat! Haha!

0 comments: