Sunday, October 18, 2009

Avalanche

Grabe! Ang tagal ko nang di nakapagblog. Naging sobrang busy e. Paano ba naman? Pagkatapos nung "sembreak" part one e sunod-sunod na yung exams namin.

Yung "sembreak" part one na sinasabi ko ay yung isang linggo na wala kaming klase dahil sa bagyo. At dahil dito ay nausog ang lahat ng exams namin. At pati an
g talagang sembreak namin ay nabawasan na ng isang linggo. Kaya imbes na magaral, ay inisip na lang namin na "sembreak" na namin ito. Kaya ayun, bum mode lang ako sa bahay. Walang ginawa kundi humarap sa computer, manood ng TV, kumain, at matulog. Wala talaga akong nagawang acad related nung linggong iyun. At pagkatapos ng isang linggong bakasyon, ayun! Nagsabay-sabay ang lahat ng exams namin sa iisang weekend. Kamusta naman yung diba? Dalawang exams ng sabado, isa ng linggo, at isa ng lunes. Sabog yung exams ko nung sabado. ES12 yung una tapos EEE13 naman yung sumunod. Masyado akong nagfocus sa ES12 kasi wala talaga akong maintindihan mula sa prof namin. Kaya di tuloy ako masyadong nakapagaral para sa EEE13. Nung linggo ay EEE21 naman. Medyo kampante naman ako rito kasi nagegets ko naman yung mga lessons. Kulang lang talaga sa practice kasi di ko nasagutan yung ibang mga tanong sa problem set dahil di naman ito pinapasa. Mas gugustuhin ko talagang ipapasa yung problem set para mapilitan akong sagutin iyun. Nakakatamad kasi pag di pinapasa e. Tapos nung lunes talaga yung pinaka-fail na exam ko. Di ko talaga magets ang EEE25. Di talaga ako handa para sa exam na yun. At formal interview pa nung buddy ko na si Rhayne nung umaga, kaya di rin ako masyadong nakapag-review nung umaga. Kaya ayun, natanga na lang ako habang nageexam.

Tapos nung wednesday pala yung finals namin sa ES12. Grabe! Di rin ako nakaaral ng maayos para dun e. Sobrang sabog talaga ako nun. Di ko yun nasagutan ng matino. At ayun, lumabasa na yung grades namin dun nung friday. At ayun, nakakalungkot lang. May bagsak na naman ako :((

Haaay. Sana ayun lang ang bagsak ko ngayong sem >.<

2 comments:

Lea said...

That's right Bamba... sabog much talaga ang mga tao ngayon..

sabog din 25 ko... hopeless na ako dun

Patrick said...

Haaay. Wala na talaga. So much for "wala dapat akong ibagsak ngayong sem" Bagsak na talaga ako sa ES12. EEE33 at EEE21 ay mejo kampante naman ako. EEE13 at EEE25 na lang talaga yung di ko alam :((