Thursday, August 6, 2009

swEEEts

Ang saya ng nangyari kanina. Pumunta kami nina Alai, Karlo, at AJ sa COOP para bumili ng mga chocolates. Hahaha! Nagyaya kasi si Karlo. Gusto raw niya ng chocolates. Tapos di ko pa nabibilhan si Alai ng Skittles. Sumama na rin si AJ sa amin.

Pagdating dun, ang dami naming nakita na chocolates. Haha! Bumili kami ng Skittles ni Alai, Cadbury, Twix, Chupa Chups, Kit Kat, Curly Tops, at Kisses. Bumili naman ako ng Mentos, si Alai ng Fruitella, at si Karlo ng sarili niyang Kisses. Si Karlo pala muna yung nagbayad nung Cadbury, Twix, Chupa Chups, Kit Kat, Curly Tops, at Kisses. Tapos bumalik na kami sa EEE.

Dun kami kumain sa labas ng LC2 para walang makakakita sa amin. Hahaha! Ayaw mag-share e no? Tapos nung babayaran na namin si Karlo, sabi niya wag na, libre na lang daw niya kami. Akala namin joke lang. Yun pala totoo. Hahaha! Pang blowout na raw niya yun samin kasi di naman siya nanlibre nung birthday niya. Kaya ayun, bawas gastos sa part namin. Haha. Salamat Karlo! Tapos ayun, habang kumakain, kwentuhan. Ang saya talaga.Pagkatapos kumain, lumabas na muna kami sa may parking lot. Tapos napagtripan naming magpicture-picture dahil natuwa kami sa kulay nung mga payong namin. Red yung kay Alai, maroon yung kay AJ, green yung kay Karlo, at blue naman sa akin. Nakumpleto na namin ang kulay ng EEE! Hahaha! Kaya ayun, nagpakavain kami. Hahaha!
Ayun, sobrang saya talaga. Balak namin gawing sweets day every thursday. Hahaha! Next thursday ay ice cream naman! Haha!

2 comments:

Lea said...

hehehe... gusto ko rin ng chocolates...T_T

Funny nagke-crave ako ng cakes kahapon.

Patrick said...

@Lei: hahaha! bili ka. :p