Sunday, July 12, 2009

Thrifty'

Galing na naman akong Techno Hub kanina. Hahaha! Grabe! Ang gastos ko ngayong linggo. Dalawang beses na kasi akong nakakatapak sa Techno Hub ngayong linggo.

Nung thursday yung una. Kasama ko nun sina Lorr, Alai, at Carlo. Bigla kasing nagyaya si Alai na mag Starbucks. At ayun, napadpad kami sa Techno Hub. Kumain kami ng walang kamatayang Cinnamon Swirl at Frapuccino. Tapos nakuha pa naming dumaan sa Mini Stop. May bibilhin lang dapat si Carlo, kaso nauwi sa pagbili namin ng pagkain. O diba! Ang gastos! Medyo nagtagal din kami dun. Nagkwentuhan pa kasi. Tapos naloka pa kami sa libro ni Carlo para sa Philo 11 niya. Tagalog kasi yung libro. Tawa na lang kami ng tawa nung binabasa namin yung libro niya. Ang lalalim nung mga salita. Tapos may mga salita na hindi tagalog. Kaya napagtripan naming itranslate sa tagalog. At panalo yung mga translations ni Lorr:

Truth Table - Katotohanang Lamesa
Workshop - Trabahong Tindahan

Hahaha! Laugh trip talaga kami nun. At pagkatapos pa ng ilang minuto, nagsiuwian na kami.

Tapos kanina, pagkatapos ng exam sa ES 12, pumunta na naman kami sa Techno Hub para kumain. Grabe! Sobrang lakas nung ulan! Di pa kami nakakapasok sa Techno Hub mismo ay basang basa na kami ng ulan. Sa KFC kami kumain nina Greggue, Alai, at Lorr. Tapos dumaan kami sa National Bookstore. Nagtagal din kami dun. Kung ano-ano kasi yung mga pinaggagagawa namin. Hahaha! Tapos dumerecho na naman kami sa Starbucks. Napagastos na naman ako. Hahaha! At habang andun, tinuloy na namin yung prob set sa EEE 21. Tapos nabigyan pa kami ng free taste ng Dark Java Jelly. Ang sarap! Ang cute din pala nung lalagyanan. Kaya inuwi namin yun ni Alai. Pagdating ng mga 9:30 ay nagsiuwian na kami.

Sobrang saya talaga! Kahit napapagastos ako ng bonggang bongga, sulit na sulit naman dahil kasama ko yung mga kaibigan ko. *emo* Hahaha!

P.S.
Kaya pala ganyan ang title ko ay dahil sa impluwensiya ng EEE 21. Hahaha! Yung ' kasi ay nagsisimbolo ng kabaligtaran. Kaya kung thrifty lang, ibig sabihin ay matipid. Pero kung thrifty', hindi matipid ang ibig sabihin. Kaya ayun. Hehe.

6 comments:

alai said...

LOL.
ako man eh napapagastos.:))
tapos ngayong week naman, mejo nabawasan yung gastos pero pagtapos ng buddy bidding kumain kaming trinoma. so gumastos paren ako.:))

ipon na lang next week.:D
aja.:D

Patrick said...

@alai.^^:

hahaha! grabe kayo! buti out of the way ang Trinoma sa akin. hahaha!

_anna said...

napapagastos ang mga tao this week. HAHA. XD

Patrick said...

@_anna:

oo nga e. ang laking BI ng Techno Hub! hahaha! pero mas grabe kayo. isang umaga lang e sobra-sobra na yung nagastos. hahaha!

asdf said...

haha. kelangan kasing magalis ng depression. eee 8 kasi eh. xD dapat mcdo lang un. eh pinara ng friend namin sa tapat ng sb. lagot na. haha xD

Patrick said...

@Anna:

hahaha! sa bagay. sabi nga nung prof namin sa EEE 33. dapat magsaya after ng exam. di dapat nage-emo. hehehe.