Saturday, July 11, 2009

Birthday Bash II

Noong nakaraang July 2, nilibre ko yung ilan sa mga hindi nakapunta nung kaarawan ko. Ang mga nakasama ay sina Lorr, Chet, Rosa, at Gens. Sumama rin pala sina Alai at Greggue. Pero hindi sila kasama sa libre ko.

Dapat ay mga 2:00 pa kami aalis dahil may klase pa kami sa EEE 25. Kaso hindi pumasok si Sir Atienza, kaya mga 1:00 pa lang ay umalis na kami. Dumaan muna kami sa SM North dahil bibili si Greggue ng contact lens niya. Pagkatapos makabili, hindi kami makapagdesisyon kung saan kami kakain. Mga 30 minuto rin kami naging idle sa iisang lugar. Hahaha! Ang dami kasing pinagpipilian. At nauwi kami sa Taco Bell. Kaya lumipat pa kami ng Trinoma.

Ayun, sobrang saya nung kainan. Puro kwentuhan at tawanan. Sobrang saya talaga! Tapos nakita pa namin si Ma'am Chei. Prof namin siya sa Soc Sci 1 nung freshies pa kami. At di na kami nagulat sa suot niya na kita ang pusod niya. Hahaha! Belly Dancer kasi siya. Kaya ayos lang.

Pagkatapos kumain, pumunta naman kami sa Dairy Queen para mag desert. Umalis na pala sina Chet at Rosa nung mga oras na ito. At ayun, kwentuhan lang ulit kami at tawanan. At pagkatapos ay umuwi na kami.

Sobrang saya talaga nung araw na ito. ^___^

2 comments:

alai said...

may sakit pako niyan ah.:))
pero kahit na ganun, masaya paren.:)

Patrick said...

@alai.^^:

onga e. tapos nakuha mo pang mag DQ. hahaha!