Kakanood ko lang ng Finding Nemo sa Disney Channel. Tas habang pinapanuod ko e naalala ko bigla ung bakasyon namin nina mama at Sheryl sa Australia. Sa Sydney, Australia kasi ung setting ng Finding Nemo.
Ayun, sobrang namiss ko yun. Isa talaga yun sa mga unforgettable vacations ko. Tapos ilang beses ding napakita ung Sydney Harbour Bridge dun sa movie. Kaya naalala ko tuloy ung ginawa naming bridge climb sa Sydney Harbour Bridge. Hahaha. Isa yun sa mga unforgettable experiences ko sa Sydney.
Una naming ginawa ay umakyat sa dun sa isang base nung bridge. Bale naglakad muna kami sa isang mahabang catwalk na kung saan kita mo na ung tubig sa baba. At ang taas-taas pa namin. Pagkatapos ay umakyat naman kami ng isang napakahabang ladder. Nakakapagod ung pagakyat dun kasi vertical ung ladder. Hindi yung nakaslant. Hanggang dun lang ung scary part nung bridge climb. Pagdating mo kasi dun sa isang base, derecho na kami sa paglalakad dun sa arc nung bridge. At ang sarap ng feeling pag nasa taas ka na. Ang sarap nung hangin dun. Tas ang ganda-ganda pa ng view. Sunset kasi kami umakyat. Kaya sobrang ganda talagang pagmasdan ng Sydney. Hindi mo na rin maiisip na ang taas-taas niyo na. Iba talaga yung feeling pag nasa taas na.
Hay. Namimiss ko na ang Sydney. Sana makabalik ulit ako dun. ^_^
Friday, May 1, 2009
Bridge Climb
4 commentsTuesday, December 30, 2008
And Her Name Was Arya Laurel
0 commentsSa wakas at nanganak na rin ang ate ko. Ilang araw na rin kaming naghihintay. Halos araw-araw e kinakausap namin siya sa YM. Kinukulit kung manganganak na ba siya. Haha. Nasa San Francisco, California kasi sila ng asawa niya.
At kaninang madaling araw, mga 1:30AM, ay biglang nagtext sa akin si Vince. Nasa ospital na raw sila. Natuwa naman ako kaya bumangon agad ako para sabihin sana kina Mama at Papa. Kaso tulog na sila, kaya ipinagpaliban ko na muna.
Nagising ako ng mga 7AM. Pagtingin ko sa cellphone ko e nagtext na ulit si Vince. Nanganak na raw si Sheryl ng 11:12AM sa kanila at ang ipinangalan nila ay Arya Laurel. Ngayon lang namin nalaman yung pangalan nung baby. Nakuwento kasi ni Mama na tinanong daw niya dati si Sheryl kung anong ipapangalan niya sa anak niya. Ang sabi ni Sheryl ay may dalawang pangalan silang pinagpipilian. Ayaw niyang sabihin sa amin kung ano. Surprise daw. Papangalanan na lang daw nila pag labas na mismo nung baby. Kung ano daw sa feeling nila ang maganda.
At ayun, may nadagdag na ulit sa aming pamilya. Si Arya Laurel de Leon. At natuwa ako dahil ako pa ang unang nakaalam. ^_^

