Wednesday, August 5, 2009

Strange

/*
Sobrang dami na ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw. At naguguluhan na ako. May mga panahon na di ko alam ang gagawin. Parang ang helpless ko.
*/

/*
Kagabi, ewan ko ba kung bakit ganun na lang yung nararamdaman ko. Umuwi agad ako pagkatapos ng exam sa EEE 25. Kumain, nag internet saglit, tapos gumawa na ng HW sa ES 12. Habang gumagawa, nagpapatugtog ako ng mga kanta mula sa laptop ko. Tapos bigla na lang ako nakaramdam ng lungkot. Hindi ko alam kung bakit. Hindi ko alam kung sanhi ba yun nung mga kanta na pinakikinggan ko. Kaso di naman emo yung mga kanta ko. Basta. Ang labo talaga.
*/

/*
Pareho kami ng kwarto kahapon. At di talaga siya namansin. Oo na lang ako. Hahaha! Wala lang. Gusto ko lang i-share.
*/

/*
Nagulat ako kay Rhayne kanina. First time ko ata siyang makitang ganun. Naninibago talaga ako. Ayaw naman niya magkwento. Kaya di ko tuloy alam kung bakit siya ganun.
*/

/*
Nagalit pala si Lorr sa akin kanina. First time yun. Haha. Wala lang. Pero ngayon ok na kami. Nag-sorry na ako. Ako naman kasi yung may kasalanan. Hehe.
*/

/*
Ayun, may nangyari kanina. At may naalala ako. Napaisip talaga ako sa mga nangyayari sa amin ngayon. Sobrang laki na talaga ng problema. At habang tumatagal, lalong lumalala. Hindi kasi naguusap yung magkabilang party. Kaya di tuloy magkaintindihan at masolusyonan yung problema. Hay. Ayan din ang problema e. Parehong naghihintayan.
*/

/*
Ayun, nalilito rin ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Di ko talaga maintindihan. Ang labo talaga. Hay. :|
*/

/*
Sorry. Sobrang random ng mga thoughts ko. Nababangag na kasi ako. Haha. Pasensiya na.
*/

5 comments:

alai said...

LOL.

can't relate sa sudden emoness.:D
hindi nako emo eh. bumabanat lang ako ng emo.:D

as usual, yaan mo siya.:))

nagulat din ako kay rhayne.:| nakakapanibago. ang tahimik niya.:|

first time ko ding makitang nagalit ng ganun si Lorr. nakakatakot.>__<

lumalaki yung problema kasi marami ng sangkot. dati kasi tayu-tayo lang so hindi pa ganun kapansin. ngayong kasi andami na eh.>__<
may takot kasi tayong masaktan yung kabilang party. so we think that mas ok nang hindi mag-usap.:D

no comment din.:D ikaw lang makakaalam nyan.:D


//di ba halatang bawat part eh may comment ako?LOL.:D

Patrick said...

/*
di ka na emo? hahaha. bitter na lang? hahaha!
*/

/*
haha. wala lang naman yan. na-share ko lang :D
*/

/*
yeah. anong kayang nangyari sa kanya?
*/

/*
onga e :((
*/

/*
ayun yun e. wala kasing nagsasalita. hindi kasi nagrereach out yung magkabilang party. ayan tuloy. lalong lumalaki.
*/

/*
hahaha. di ko talaga alam :|
*/

/*
onga e. hahaha! pati comment ko sa blog mo per part na rin. pati na rin reply ko rito. hahaha!
*/

alai said...

OO na. bitter nako.:))

owell. sharing is not that bad.:D

hindi ko paren alam.:)) whatever. mukhang okay na naman si rhayne ngayon eh(ata).

nakooo~. wag na ulit gagalitin si Lorr. nakakatako.>_____<

lol. i still feel uneasy sa sitwasyon. pero sana kayanin.

haha. hindi pwedeng hindi mo laging alam. try to figure out what your really feel. para less worries.:D

lol. nakita ko nga eh.:))

Rhayne said...

ngayon ko lang nabasa to. walang nangyari sakin nun. or not. basta feel ko lang maging ganun. baka mapadalas na haha.

Patrick said...

@Alai: waaa! naguguluhan na talaga ako sa nararamdaman ko. di ko talaga alam :s

@Rhayne: ngak! bakit naman? di maganda yung ganun.