Saturday, January 31, 2009

Recap

Grabe! Ngayon na lang ulit ako nakapagpost dito. Sobrang busy ko kasi. Hay. Hindi ko tuloy alam kung paano ko ito sisimulan at kung ano ang mga ikekwento ko. Ayoko naman pagusapan ang tungkol sa acads ko. Magdadrama lang naman kasi ako ng bongga. Kaya siguro magkekwento na lang ako ng mga nangyari sa akin ngayong buwan, tungkol sa mga nararamdaman ko saka tungkol sa aking mga kaibigan. Pagpasensiyahan niyo na ako kung magulo ang train of thoughts ko. Ang dami na kasing nangyari e.

Unahin ko na ay ang Plurk. Nagsimula akong magplurk nung patapos na ang taon. At sobrang naeenjoy ko ito, kahit na may pagka-BI ito sa aking pagaaral. Hahaha. Nakakaaliw kasi e. Saka ang dami kong nakikilala dahil dito. Ayun. Isa pala ito sa mga pinagkakaabalahan ko ngayon. Nakakaadik din kasi e.


Tapos tuwing pagkatapos pala ng CWTS e lagi kaming kumakain sa labas. Wala lang. Natutuwa lang ako rito. Bago kasi magtapos yung nakaraang taon e hindi na kami masyadong kumakain sa labas. E ngayon, bumalik na ulit ung gawain namin nung first sem. Natutuwa talaga ako rito. Nakakapagbonding din kasi kami e. At sobrang namiss ko yun. Kaya ngayon derecho kaming TechnoHub. Kakain sa KFC at pagkatapos e magtTime Zone naman. Hehehe.

Uhm. Ano pa ba? Lovelife? Hahaha! Uhm. Ok naman. Hahaha. Natutuwa rin ako rito.

Dun sa isa, may nalaman ako tungkol sa kanya. At nagulat talaga ako rito. Nagbago talaga yung tingin ko sa kanya. Pero hindi naman nagtagal yun. Mga dalawang araw lang siguro. Tas bumalik na ulit sa dati. Parang wala lang nangyari. Saka natutuwa rin ako dahil napapadalas na ang aming pagusap. Hehe.

Dun sa isa naman, mas natutuwa talaga ako ngayon sa kanya. Dati kasi e halos di kami naguusap. E ngayon, halos araw-araw na kaming naguusap. Natutuwa talaga ako. Di nakukumpleto ang araw ko pag di ko siya nakakausap. Kahit "Hi!" lang mula sa kanya e kumpleto na talaga ang araw ko.

Sa mga kaibigan ko naman, natutuwa rin ako. Halos lagi ko na kasi silang nakakasama. Halos hindi ko na nararamdaman yung pagiging loner. Bago kasi magtapos yung nakaraang taon e nararamdaman ko talaga yung pagiging loner. Halos mag-isa lang kasi ako noon. Pero ngayon e nagbago na ang lahat. Natutuwa lang talaga ako. Nakakabond ko na kasi ulit sila. Tas habang tumatagal e ang dami ko pang nakikilang mga bagong kaibigan. Kaya sobrang nagagalak ako.

Ayun. Naging maganda talaga ang pasok ng taong 2009 para sa akin. Pero siyempre may mga hindi rin kanais-nais na nangyari. Pero hindi ko na muna ikekwento yun. Sa ibang araw na lang. Hehe. Saka dadalasin ko na rin ang pag update nito. Hehe. Sige. Hanggang sa muli! ^_^

0 comments: