Saturday, December 20, 2008

Christmas Wish

Kanina, tinext ako ng aking kaibigan. Tinanong niya kung ano raw ang aking Christmas wish. Ang sabi ko, hindi ko alam. Pagkatapos kong itext yun, naunawaan kong hindi ko pala iniisip kung ano talaga ang gusto ko. Kaya napagisip-isip tuloy ako.

Ang unang kong gusto ay makapagtapos ng pag-aaral, at sana ay Computer Engineering ang kurso. Sa kasalukuyan kasi, may dalawa na akong bagsak. At sobrang nahihirapan na ako. Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyayari sa akin. Nung highschool naman, masipag ako e. Hindi ako pabaya nun sa aking pag-aaral. E ngayon, ano na ang nangyayari sa akin?! Naging tamad na ako!

Naalala ko tuloy yung sabi sa amin ng isang kong guro nung highschool. Ang sabi niya, hindi raw lahat ng matatalino at masisipag pag highschool ay masisipag din pagdating ng kolehiyo. Ang sabi ko sa sarili ko nun ay hindi ako magiging ganun. Paghuhusayan ko pa rin pagdating ng kolehiyo. Ngunit ano na ang nangyari sa akin ngayon? Naging tamad na ako. Nagulat nga yung isa kong kaklase nung highschool e. Ano na raw ang nangyayari sa akin. Hindi naman ako ganito noon. Hay.

Pero sinisubukin ko namang ayusin ang pag-aaral ko e. Pero sadyang hindi ko maintindihan ang mga pinag-aaralan namin. Hindi kaya kulang lang ako sa sipag at pagtitiyaga? O baka naman hindi talaga ako bagay sa kursong ito? Ngunit saan ako nababagay? E ito lang naman ang nagustuhan kong kurso e. Wala nang iba.

Hay. Sana lang talaga ay bumalik na ako sa dati. Kung ano yung ugali ko nung highschool pa ako, masipag at hindi pabaya.

Ang pangalawa ko namang gusto ay isang taong minamahal. Yung taong andiyan parati sa tabi ko. Yung taong mapagsasabihan ko ng kahit ano. Yung taong aalagaan ako. Yung taong mamahalin ko at mamahalin din ako. Ang gusto ko ay isang kasintahan. Pero hindi lang basta basta't kasintahan. Ang gusto ko ay yung parang bestfriend ko na rin. Nagegets niyo ba?

Sa ngayon ay may nagugustuhan akong babae. Alam na yun nung iba kong mga kaibigan. Ayun, halos araw-araw na kaming nag-uusap. Tapos ang sarap sarap pa niyang kausap. Yung tipong hindi ka mahihiya kahit anong sabihin mo sa kanya. Ang bait bait pa niya. Ang ganda pa ng ngiti niya. Tapos lagi ko pa siyang naiisip.

Ang problema ko lang naman sa kanya ay may boyfriend na siya. Syempre may respeto ako sa kanila. At hindi ko rin naman alam kung ano ang tingin niya sa akin. Kaya maghihintay na lang ako kung ano man ang mangyayari. Ipagpapatuloy ko na lang ang pagiging kaibigan niya. Isa ko pa rin pa palang problema ay torpe ako. Hahaha. Magaling. Hay. Bahala na kung ano ang mangyayari. Basta, maghihintay ako.

Pasensiya na pala at nagdadrama ako ngayon. Gusto ko lang ilabas ang aking nararamdaman ngayon.

12 comments:

kona-chan rules the world ^_^ said...

Ang emo mo :))

Ewan ko ba, siguro iba talaga ang high school sa kolehiyo. Baka kahit ubod ka sa kasipagan noon, di siya magiging sapat ngayon. Dapat rin may pagbabago sa nakasanayang paraan sa pag-aaral. Kung nais mo pa rin ituloy ang kurso mo, kailangan bigyan ng kauti pang tiyaga at oras para dito.

At isa pa, masyado kang adik :)) Panahon lang ang makakasabi kung anong mangyayari sa inyong dalawa. Ipagpatuloy mo na lang ang pagiging kaibigan niya. Malay mo, malalaman rin niya kung gaano ka kahalaga sa kanya :)

At ngayon ko lang napansin na derechong Filipino pala ang naisulat mo :))

Patrick said...

:D

onga e.. nabigla ako pagdating sa kolehiyo.. nanibago talaga ako.. kagaya na lang sa exams.. nung highschool kayang kaya pa kahit apat ang exams sa isang araw.. e ngayon isang exam nga lang e sobrang nahihirapan na ako.. hay.. kelangan na talaga magsipag ng bongga..

sorry naman.. dapat maging patient ako.. ^^,

hahaha! english talaga dapat yan.. kaso nahirapan akong ipaliwanag ng english.. kaya ginawa ko na lang na tagalog.. hehe..

Patrick said...

SA MGA NAKABASA NA:

inedit ko ulit yung post ha.. ang pangit kasi nung mga sinabi ko kanina..

alai said...

tama sinabi ni denise. pagbabago ang susi.:) ako kasi, natutong maging tamad nung hs palang. hahaha. badtrip. BI kasi mahal ko eh.[nanisi daw ba?] ayun. kaya ngayon, nahihirapan nako alisin sa sistema ko yung pagiging tamad.

dun naman sa kasintahan part, kagaya nga ng sinasabi nila, 'di hinahanap yun. kusa itong dumadating sa buhay ng isang tao. hahaha. wag ka maging tulad ni vistro na torpe. walang pupuntahan yun. HAHAHA!:)

Anonymous said...

Hello. First time kong mapadpad sa blog mo at natuwa naman ako dahil interesting ang line of thinking mo. Bihira na ako makakita ng mga blogger na gaya mo kaya i'll be looking forward to reading more of your posts. Sa ngayon eto muna mababasa ko dahil may exam pa kong aaralin para bukas.

Oo nga ang drama nga. Pero nagi-gets ko naman ang gusto mong palabasin. Ang christmas wish mo, sana matupad yang mga yan.

Una, ung tungkol sa pag-aaral mo. baka tinatamad ka na o hindi lang talaga kaya ng utak mo ang mga pumapasok na lessons. Mahirap din kasi kapag hindi mo gusto ang pinag-aaralan mo. Natanong mo na ba sa sarili mo kung gusto mo ba talaga yang course na yan? Sayang naman, UP Diliman ka pa man din. Hanga ako sayo nandiyan ka. :D Naniniwala akong magagawan mo ng paraan yang nangyayari sa'yo.

Naniniwala rin akong totoo ang sinabi ng teacher mo noong high school. Ako kasi, hindi ako masipag noong high school. Ngayon ko lang nari-realize na sana noong high school ako naging masipag ako. Sayang kasi. Alam ko namang may ibubuga ako, kaya lang, talagang mas masarap wag maging masipag sa pag-aaral.

Ngayong college ako (oo nga pala magkasing edad lang tayo, natuwa ako bigla), mas naging aware ako. Kasi nga naman hindi na public ung pinapasukan ko unlike noong elementary at high school. Malaking pressure pala na hindi mapahiya. Pero ngayon, feeling ko babagsak na rin ako. Kaya for sure hindi ka nag-iisa diyan sa kasawian mo sa pag-aaral. At saka, may panahon pa para umangat ulit. Meron pa. Marami pang pagkakataon. Habang maaga pa, sana ma-realize natin ang mga goals natin.

Bigla mong pinasok ang tungkol sa girlfriend/best friend. Sana lang, wag ka na ma-fall dun sa girl na binanggit mo. Siyempre, kasi committed na siya, at sa bandang huli, ikaw lang naman ang mahihirapan. Ikaw ang masasaktan, ikaw ang iiyak. Ang pinakamagandang gawin e huwag masyadong i-attach ang sarili mo sa kanya. Oo, nakakatuwa siya kausap, masarap siya kasama, nakakatunaw ang ngiti niya... pero yung tungkol sa pagmamahal, naibigay niya na sa isang lalaki ang puso niya, at makukuha mo lang yun kapag wala na dun sa lalaki. Huwag ka mag-alala, marami pa namang babae sa mundo. Naniniwala ako na isang karapat-dapat na babae ang mabibihag mo sa bandang dulo. Bandang dulo dahil mahaba pa ang lalakbayin natin. Seventeen pa lang tayo. Na-realize mo naman siguro na ambata mo pa at talaga namang marami pa tayong pagdaraanan sa buhay na ito. Sana, sa paglalakad natin patungo sa dulo, huwag tayong papatukso sa mga elemento ng kasamaan, bad yun. Darating din ang prinsesa ng buhay mo at sana sa kasal mo isama mo naman ako. (nice, feeling close na ko sayo. :) )

Ayun. Mukhang nasabi ko na lahat ng gusto kong sabihin. Pagpasensyahan mo na kung napagod kita sa kababasa ng nobelang ito. Grabe, napasulat mo ako ng ganitong comment. Hanggang sa susunod. Hanggang dito na lang muna ako.

Keep it up. Kaya mo yan.

Patrick said...

Alai:

hay.. magbabagong taon na.. kelangan ko na talaga ayusin ang sarili ko..

paano ka pala naimpluwensiyahan ng mahal mo? hahaha!

hehehe.. salamat sa mga sinabi mo dun sa kasintahan na part.. dapat lang talaga ay maging patient ako.. wag madaliin.. at huwag maging torpe.. ^^,

Paurong:

oo na lang ako.. hahaha..

salamat sa mga sinabi mo.. napagisip-isip tuloy ako sa mga sinabi mo dun sa kasintahan na part.. hehe..

Anonymous said...

Relak ka lang. Wag ka pakamatay ha. joke.

alai said...

hahahaha.:))
tamad din kasi yun. hmm. kung gaano ako kasipag nun, ganun naman yung kinatamad niya. pero matalino yun. nung el;em nga natalo ako nun sa quizbee eh.:)) adik.:))

hmm. tama si paurong.:)) naloka na lang ako sa haba nung sinulat niya. pero tama talaga yun.:)

keri yan bamba.:) nasa satin naman yung pababago eh. wala yan sa panahon. kung gugustuhin naten, ngayon pa lang magbabago na tayo.:)
hahaha.:)

Anonymous said...

kelangan lang siguro ang konti pang tulak para sumipag uli. iconsider mong challenge ung mga subjects na nahihirapan ka. hindi dahil mahirap ang isang bagay eh dapat na syang sukuan. dapat un ung maging panulak mo para maging mas successful ka. challenge yourself. it might work. it should work.

sa lovelife. suggestion ko lang... either aminin mo sakanya ung nararamdaman mo, then accept the fact na meron na syang boyfriend, then move on. or. accept the fact na may boyfriend na sya, then wag mo nang sabihin sakanya un, then move on. may common end sila.. move on.

hindi madali. pero minsan kelangan eh. para hindi ka na masaktan pa. may mga bagay kasi taung ginagawa na lalo lang nakakasakit sa sarili natin. may mga bagay na pinipilit, kahit hindi naman pwede, at in the end... matatalo ka lang.

gudluck, tol.

:)

Patrick said...

hi Anonymous.. sino ka po? hehe..

dun sa acad na part.. salamat sa mga sinabi mo.. ^^,

dun sa lovelife.. mas prefer ko ung pangalawang option.. mas gugustuhin ko na lang na hindi ko sasabihin sa kanya.. kasi kapag sinabi ko pa yun, parang ang awkward na ng dating kapag magkasama kami o kaya naguusap..

saka tama ka.. mag move on na nga lang ako.. wag ko nang pagpilitan ang sarili ko sa kanya.. may mahal na siya e..

ayun.. salamat ulet sa mga sinabi mo.. ^^,

Anonymous said...

im a concerned friend. you may not know me personally but i do care.

may ganun? haha.

di tayo magkakilala. hehe

Patrick said...

ahh.. hahaha.. okei.. well anyway, salamat sa mga sinabi.. napaisip-isip din ako dun.. hehehe..