Wooot!
Field trip namin sa Geog 1 nung September 13-14, 2008 sa Mango Camp in Zambales. Grabe! Super saya! Kasama ko nun sina Alai, Kat, Marvin at mga Geog1 classmates namin, plus ung ibang pang handle ni Ma'am Ocampo. Umalis kami sa UP at around 6:30 AM. Papuntang Zambales, nagsimula nang umulan. Sa bus pa lang nageenjoy na kami. Nanood kami ng mga movies. Tas may karaoke din. Haha. Grabe ung mga kanta. Puro love songs! Hahaha! Pero ok pa rin naman. Hehe.
Tas dumating kami sa Mango Camp at around 11:30 AM ata. Ayun. Ang lakas ng ulan nung time na un tas wala pang signal ang Globe nun. Si Marvin lang ata ung meron samin. Pagdating namin dun, pumunta muna kami sa may multi-purpose hall nila. Inexplain muna samin ung mangyayari, then inassign na kami sa aming mga cottages. Sa kagandahang palad, napunta ung section namin sa pinakamalaking cottage so sama-sama kaming lahat. Then pinuntahan na namin ung cottage namin. Grabe! Ang ganda! 2 floors ung cottage. Ung mga kama sa baba ay mga double deckers tas ung sa taas naman ay mga matresses na tabi-tabi. So karamihan nung mga girls ay nagpunta sa taas and the rest ay sa baba na. Ung pinili kong higaan ay ung sa taas ng isang double decker bed.
After namin mag feel at home, bumalik na kami sa multi-purpose hall para maglunch. Then nagform na kami ng groups. Sa kasamaang palad, napilitan ang section namin na maghiwalay dahil masyado kaming marami para sa isang group. So ayun, naging kagrupo ko pa rin sina Alai, Marvin and Kat. Then after nun, bumuo kami ng cheer. Grabe! Naging pep squad ung aming grupo. May mga magtutumbling at ililift. Hahaha. Ayun, then after namin magpraktis, bumalik muna kami sa cottage para magpahinga. Tapos nagsign-up na rin kami kung saang event kami magpaparticipate sa gagawing "Amazing Race" after nung "cheerdance competition". Ayun, dun ako sa Rope and Swamp.
Then nung 1:30 PM na, bumalik na kami dun sa hall para sa mga presentations ng mga cheers. Kami pala ung huling magperperform ng cheer. Ayun, nakakatawa naman ung mga cheers ng ibang grupo. Lalo na nung Dugong Berde. Grabe! Nakakatawa talaga ung ginawa nila. Hahaha! Then after nun, nagsimula na ung Amazing Race.
Sa Amazing Race, dapat lahat kami ay magstay sa loob ng rope puwera na lang kung ung taong un ay manlalaro sa event na un. Tas umuulan pa ng bonggang bonga. Haha! Kaya more challenging. Napagdesisyunan din na magpaa na lang kami kasi ang hirap gumalaw kapag naka slippers. Ang dali kasing mastuck sa putikan.
So ang unang ginawa namin ay pumunta sa paintball area para hanapin ung clue. Tas nung makita na namin ung clue, ang nakalagay ay "swamp and rope". So dun na kami agad dumerecho. Ang mangyayari pala dun ay tatawid kami sa 10 FEET DEEP na swamp using the two ropes na nakatali na. Bale maglalakad kami sa isang rope habang nakahawak sa rope sa taas. Ayun. Isa ako sa mga gagawa nun. Grabe. Nakakatakot. 10 feet deep nga kasi. Pero may life vest naman kami. Then after nun sa may obstacle course naman kami. Then sa basketball court. Nadulas pa si Ken at nagkasugat. Then sa paintball naman. Tas sa airsoft. Tas sa swimming pool. Tas ung ATV. Then ang last event ay ung pig hunt. Sabay sabay ang lahat ng grupo. Ang mangyayari pala dun ay may isang representative bawat group at nakablindfold sila. Then kailangan lang nilang mahawakan ung pig for at least 3 seconds. Ayun. Grabe. Nakakatawa sila. Hahaha! Saming grupo lang pala ung babae ang representative, si Nikki, tas the rest puro lalaki na. O diba? Alam na! Haha! Tas ayun. Two groups ung nagtie. Ung samin saka ung isang grupo na kasection din namin. Haha. At dun na natapos ang Amazing Race.
After nun ay free time na. Feel free na raw na gamitin ung mga facilities dun. Ayun. Una naming nilaro ay ung paint ball. Bale 2 teams kami, 9 people per group. Kasama din namin si Ma'am Ocampo. Haha. Ayun. Natanggal lang ako dahil naubos na ung bala ko. Wala pa kong natamaan. :( Anyway, ayun, tie kami. Haha! Then after nun, ATV na sana ung sunod naming gagawin. Kaso ang daming taong nakapila tas 3 lang ata ung gumagana tas sirain pa. So nagpahinga na lang muna kami habang ung iba ay nagswimming. Tas ayun, dun na rin ako nakahanap ng chance na makausap sina Alai at Kat sa wakas. Ayun. Naayos na rin ung mga problema at misunderstandings namin.
Inabutan na kami ng gabi. Mga 7 PM na ata kami pumunta sa hall para magdinner. Tas ayun. May shinare din pala si Sumin na laro. Ung paluan. Nakakaenjoy naman. Hehe. Un nga lang, pag si Sumin na ung papalo. Grabe! Mamamanhid ung kamay mo sa sobrang sakit. So ayun, nagdinner na kami. Nakakatuwa kasi nagbobonding kaming lahat. Then unti-unti nang umaalis ung ibang mga grupo. Bale 2 groups na lang ung naiwan, ung section namin. Tas pumayag pa si Ma'am na magkaraoke for free ska maginuman. Ayun. So nagstart ng magkaraoke ung iba while ung iba naman ay naginuman na. Tas grabe si Aldrin sa karaoke! Nabaliw ako nun e. Vinideohan ko nga siya e. Grabe naman kasi ung pagkakanta niya. Matatawa ka talaga! :))
Tas si Marvin pala ay kasama dun sa inuman. Ayun. Nalasing. Nagdrama kay Alai. Hahaha! Nakasama rin pala nila si Sir Placino sa inuman pati na rin sa karaoke. Hehe. Ayun pa pala. Sinamahan ko kasi si Ken sa cottage namin kasi nga lasing na siya at baka kung saan pa siya mapadpad. Pagbukas niya ng pintuan. Biglang nagsigawan ung mga tao sa loob. So naisip namin kami ung tinatakot. Un pala sila ung natakot samin. Pano ba naman kasi, nakapatay lahat ng ilaw tas nagtatakutan. Haha!
Tas ayun. Ang naiwan na lang sa hall ay ako, Alai, Marvin, Ken at sir Placino. Tas inanalalayan ni Alai sina Marvin at Ken pabalik ng cottage kasama ako at si sir. Ayun. Matutulog na dapat ako nun. Kaso narinig ko si Marvin na nagkwekwento kay Alai. Ayun. Nalaman ko lahat. Haha! Hindi ko na ieelaborate kung ano man ung mga sinabi niya.
Tas after nun, nakatulog na ako. Tas nagising ako ng mga 1:30 AM. At gising pa rin ung mga nagtatakutan. Grabe! 1 hour akong gising nun kasi pati ako natakot. Pano ba naman kasi. Ako lang ung magisa sa taas ng mga kama. Lahat sila nasa baba. Ayun. Tas nakatulog na rin ako nung iba na ung pinaguusapan nila.
Then the next day. Paggising ko, sobrang lamig. Akala ko naman hanggang labas. Un pala dahil lang sa air-con. Paglabas sobrang init na. Ayun. So nag breakfast na kami. Then after nun, may time pa. So nag wall climbing na kami. Then after nun ay sa ATV naman. Grabe! Super enjoy un! Naligo kaming lahat sa putikan! Hahaha! Buti na lang pala at umulan. Mas enjoy pala pag ganun. Then nagswimming na kami after. Then naghanda na kami para umalis.
Before kami umalis, nagaward na ng mga nanalo. Hindi kami nageexpect na mananalo. So ung nanalo sa cheerdance ay ung Dugong Berde. Tas ung nanalong team naman overall ay KAMI! Ang galing nga e. Nagulat kaming lahat. Hindi namin ineexpect. Ayun, so binigyan kami ni ma'am ng mga necklace saka +5 sa final grade. O diba? bongga! Haha.
Tas ayun. Umuwi na kami. Mga 12 PM na ata kami nakaalis dun. Then naglunch kami sa Subic. Dumaan na rin ng Royal Duty Free. Then derecho na pauwi. Dumating kami sa may Philcoa at aroung 6 PM. Tas ayun. Sabay na kami ni Marvin papuntang UP.
At dito natatapos ang aming field trip. Grabe! Isa na ito sa pinakamasayang field trip. Super saya at todo bonding talaga kaming lahat. Hehe.
Wednesday, September 17, 2008
Geog Camp
written by Patrick at 7:54 PM
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Adik. Ang haba ng entry... tinamad na akong basahin lahat :P Pero buti pa kayo may field trip. Ang corny ng mga GE namin... wala man lang kahit outing >.< Kaso feel ko nakakatamad rin... parang andami nyong ginawa. Haha
haha.. sorry naman..
ahh.. aww.. dapat kasi mga kukuning GE ay yung may field trip.. haha! anyway.. yah! ang dami naming ginawa dun.. haha!
Post a Comment