Monday, September 8, 2008

Define Haggard

Grabe!

Define Haggard! Napakahaggard ng araw na ito. Mga 1:30 A.M. na ako natulog kanina dahil nag-aral pa ako para sa UPCAT (U.P. Circuit Application Test). Tas 5:30 dapat ako gigising, kaso pag dating ng 5:30, sobrang antok pa rin ako, kaya 6:00 na lang ako gumising. Ayun, pag gising ko, nagpanic ako. Kasi 8:00 A.M. daw ung start, e kailangan ko ng 2 hours para magayos at pumunta sa U.P. Tas biglang nag GM sina Kat at Lambert na minove na to 9:00 A.M. ang start. Edi ok na ako. Dumating ako sa tambayan ng before 9:00 at 3 pa lang kaming mga applicants ang nandun. Ako, Nikko at Atan. Ayun, mga 9:30 na dumating ung iba. Tas nagstart na kami.

Ang UPCAT pala namin ay hindi written. Ginawa nilang mala Amazing Race. Tas 3 members per team. Bale ang mga naging kagrupo ko ay sina Inah at Nikko. Ayun, binigay na ung unang clue. May kinalaman sa squEEEze. Edi pumunta kami sa NISMED. Pag dating namin dun walang tao. Edi balik kami sa EEE. Wala rin. Tas bumalik kami ulit sa NISMED. Nilibot na namin ung buong building. Tas paglabas namin, ayun, nakita namin sina kuya Cocoy at ate April. Sila pala ang in-charge dun. At ilang beses din namin silang nadaanan sa EEE. Hahaha! Grabe! Pinakauna pa lang at pagod na pagod na kami. Tas sinagot na namin ung mga tanong nila. Ung next clue ay may SILENCE. So sa Eng'g Lib 2 kami pumunta. Then after nun may IT ung clue. So sa CSRC naman. Doon, pinarecite samin ung Preamble. Bale ang mangyayari ay one word per member, at kasama na dun ung mga punctuations and may time limit na 5 minutes. Ayun, ilang beses din kaming nagkamali at hindi rin namin natapos dahil naubusan ng oras. Next clue naman ay may TERMINAL. So sa Vinzons kami nagpunta. Doon naman, Pinoy Henyo ung style. Si Inah ung huhula tas kami ni Nikko ang sasagot ng oo at hindi. At ang nakuhang pahuhulaan ay ung German Yia Hall. Tas ayun, hindi pala alam ni Inah kung saan un. Sayang. Nung umaga pa lang kasi e tinanong na namin sa mga mems kung saan yun habang wala pa ung iba. Tas sayang. Ayun. So hindi namin nakuha. Then ung next clue ay may DEEP. So Sunken Garden ang inisip namin. Tas ang tagal naming naghanap dun. Naabutan na rin kami nung grupo nina Kat. Tas nakita namin si Kuya Chow. Nasa kabilang dulo pala. Then ung next clue ay may BORN. So inisip namin baka ung German Yia Hall since doon ung unang tambayan, or sa Health Service. So una na naming pinuntahan ung German Yia Hall. Wala kaming nakitang tao. Edi dumerecho kami ng Health Service. Wala rin. Edi bumalik kami sa German Yia Hall. Inikot na namin ung buong lugar. Grabe! Sobrang pagod na pagod na kami nun. Ang creepy pa pala sa loob nun. As in! Nakakatakot! Hahaha! Tas nalaman na lang namin na umalis na pala si Kuya Jade dun. Edi tinext namin siya at nakipagkita na lang sa tapat ng NEC. Then sa may Eng'g ung sunod. Then after nun sa may Ampitheater. Tas doon nagtanong silang ng 3 tanong. Ung unang tanong di namin nakuha. Ung pangalawa naman nakuha namin. Tas ung pangatlo. Hahaha! Ung pangatlong tanong kasi ay saan daw nakaturo ung ari ni Oble. Edi sumagot naman kami ni Inah ng west. Tas biglang nagtanong si Nikko. "Erect po ba?" Wahaha! Ayun. Nagtawanan kaming lahat. At dahil dun, nakaperfect kami sa station na un. Hahaha! Pamatay talaga ung tanong ni Nikko e. At ayun pala ung hinahanap nilang sagot. Hahaha! Then ung last station ay sa tambayan na. Tas kami na pala ung huling team na dumating. Tas ung grade namin ay 63% ata. Ayun.

Then kumain kami sa CS Canteen. Tas dapat pala may CWTS kami nung hapon. Umulan kasi nung sabado kaya hindi kami nakapagrapelling. Tas sabi ni Marvin na sabi raw ni Donn na hindi na raw tuloy. Pero hindi pa yun sure. Kaso si Alai umuwi na tas si Jelo hindi na rin pupunta. Saka masakit na rin ung katawan ko. So hindi na rin ako pumunta at umuwi na. Ayun. Tas nung pauwi na ako, nakatext ko sina Jelo at Michaelle. At ayun, mejo mahabahaba rin ung mga usapan namin. Hehehe. Sikreto na lang ung mga pinagusapan namin. Basta. Ang dami kong na-realize dun. Hehe.

At ayun, paguwi ko, natulog na muna ako. Sobrang pagod ako. Tas eto na, nagttype ng 2nd entry ko sa blog. Hehe.

Hanggang dito na lang muna. (",)

3 comments:

Mike said...

sus. puro haggard moments ang mga nababasa ko sa blog niyo. hahaha

sige pat!
late nko e.
hahaha.

kona-chan rules the world ^_^ said...

Hehe... grabe... ganun pala yung UPCAT niyo. Buti na lang written yung sa amin. Kaunti lang yung magegets ko if ever man nag-Amazing Race kami ^_^

Patrick said...

ahh.. hehe.. onga e.. mas mahirap nga raw ung samin kesa sa inyo e.. saka ayun nga, nakakahaggard pa..

teka, sino ka po pala?