Wednesday, September 17, 2008

Bittersweet Talents Night

Natapos na rin ang Talents Night sa wakas! After all of the preparations made, the overnights, the practices, and the hardships, natapos na rin!

Un nga lang. Ang bittersweet nun para sa akin. Ang talents night pala namin ay ginanap nung September 12, 2008 sa Vinzons Hall.

Ayun, kwento ko muna ung bitter part nung talents night. Ang main role ko kasi ay sa part ng American Idol. Bale kakanta ako dun. Two songs pa. Tas ung kakantahin ko ay Wherever You Will Go ng The Calling at Time of My Life ni David Cook. Ayun, nagpraktis naman ako ng maigi. Tas ewan ko kung anong nangyari. Ung una ko pa lang kakantahin ay Wherever You Will Go. Edi turn ko na para kumanta. Ayun, kumakanta lang ako as usual. Then habang kumakanta ako, nagtataka ako kung bakit ako sinasabayan ng mga mems (ung audience). Tas yun pala, nauuna ako sa music! Grabe! Nagpanic ako nung time na un. As in ninerbiyos ako agad at hindi na ako makagalaw sa aking puwesto. Grabe! Hiyang hiya ako nung time na un. Tas after nun, akala ko makakabawi pa ako sa second song ko. Kaso pinutol na, hindi na kami pinakanta nung second song. Ayun. Sayang. Un na nga lang kasi ung shining moment ko. Tas nagkalat pa ako. Pero looking on the brighter side, naappreciate ni Gigi ung boses ko. Nagulat nga ako e. Taga Concert Chorus kasi siya. Ayun. Isasali raw niya ako sa Awitan sa Eng'g Week. Ayun. Natuwa naman ako dun. Hehe.

Ung sweet part naman ng talents night ay lahat! Grabe! Napakasuccessful talaga nung talents night namin. Hindi nga kami masyading binara nung mga mems e. Tuwang tuwa pa sila. Kaya ayun. Sulit na sulit talaga lahat ng paghihirap na ginawa namin. Pinakamabenta ata dun ay ung Pampers at A1. Haha! Ang galing talaga! Nakakatuwa!

2 comments:

kona-chan rules the world ^_^ said...

Okay naman yung pagkanta mo... kaso medyo walang feelings lang (or kinakaba ka ba... dahil andun si Alay? nyak. joke). Di ko nga napansin na di ka sabay sa music :)

Wee. Medyo late pero congrats... at asan na ang video? Di ba sayo yung videocam?

Patrick said...

e kasi naman.. nagpanic nga ako kasi wala pala ako sa timing.. so ayun..

ung videos? hindi ko pa po alam kung kelan ko yun maaayos e.. busy pa kasi ako ngayon.. baka sa sem break ko pa yun maaus..