Monday, September 14, 2009

Random Thoughts II

Wow! Two week na pala ang nakakalipas simula nung huli akong nakapagblog. Sobrang busy kasi e. Ang daming ginagawa. Lalo na last week >_< Anyway, kwento ko na lang yung mga nangyari. Yung mga naaalala ko lang. Haha!

> Yung mga sumunod na swEEEts day pala namin ay sa Cafe Iana sa College of Music at saka sa Chocolate Kiss. Ang sarap nung mga nasa Cafe Iana. Worth it yung paggastos mo dun ^___^ Madalas na nga kami kumain dun e. Masarap din kasi yung mga food nila dun. At reasonable pa yung prices. Kaya worth it talaga. Kagaya nga ng sinabi nina AJ, "ito ang tunay na pagkain" Hahaha! Tapos yung sa ChocoKiss naman ay triny lang namin one time. Ang mamahala nga, though masasarap naman. Pero mas gusto ko pa rin sa Cafe Iana. Haha.

> Last week pala ay naganap na yung Y4iT. Sobrang saya talaga! Naenjoy ko yung bawat araw na andun ako. At kamusta naman, mula tuesday hanggang friday ay maagang-maaga ako. Mga 6:30 pa lang ay andun na ako. Hahaha! Adik lang. Nakakatuwa kasi pag maaga e. Nakikita mong dinudumog ka nung mga delegates. Kami kasi yung nakaassign sa pagbibigay ng congress kits at pagtatatak. Nakita ko nga rin yung iba kong mga kklase nung high school e. Required daw sila pumunta. Tapos puro free food pa. Haha! Ang yaman talaga ng UP ITTC. Ang galing galing. Pero pinakanatuwa talaga akong araw ay nung tuesday. Di ko na lang sasabihin kung anong nangyari nun. Basta ayun. Haha! Alam na nung iba kung ano yun :p

> Hmm. Ano pa ba? Exams! Grabe yung EEE 25 2nd LE. Ang sabog nung mga sagot ko. Di ko alam kung mapapasa ko ba yun. Kahit nasa 50% lang grade ko dun masaya na ako. Tapos grabe din yung EEE 21 3rd LE. Babagsak talaga ako dun. 55 na lang kasi yung HPS ko. Ang hirap kasi. At ang konti pa ng time >_< Tapos yung sa EEE 33 na exam, may sure 140 points pa lang ako. Kelangan ko pa ng 40 para makapasa. Kaya aasa talaga ako sa partial points. Tapos grabe rin pala yung 2nd LE ng ES 12. Lahat kami sa klase bagsak! As in! Grabe lang! Highest sa klase namin ay 41%. Kamusta naman yun diba? Kaya iddrop ko na talaga yun. Di na rin kasi ako aabot e :(( Nakakainis talaga :((

> Ayun, nagulat ako nung bigla niya akong pinansin nung friday. Nag-hi lang naman. Pinagiisipan ko nga kung kakausapin ko ba siya about the issue o hindi. Para lang maging malinaw na ang lahat. Pero ewan ko lang talaga. Bahala na. Haha! Baka hindi na lang siguro. Waaa! Basta! Bahala na! Haha!

> Adik lang yung dalawang panaginip ko nung mga nakaraang araw. Napakameaningful! Haha! Wala lang. Nung ininterpret ni Chet, di na ako nagulat. Alam ko na rin naman yun e. Nagtataka lang ako ay kung bakit ganun yung mga panaginip. E alam ko na nga lahat yun diba? Ang labo lang talaga.

Hmm. Wala na akong ibang maisip na mga nangyari e. Sa susunod na lang ulit :p

4 comments:

alai said...

ikaw nang masaya nung tuesday.:))

*kunwari na lang hindi ko alam kung bakit.:p*

Patrick said...

@alai.^^: hahaha! oo na lang ako :))

Lea said...

mahal talaga sa ChocoKiss.. Nung first try ko dyan, nagulantang nalang ako sa pang business man prices ng pagkain.. kaya cafe iana nalang..

sabog din ang 25 2nd long ko.. umaasa nalang sa hila ng probset..

Patrick said...

@Lei: onga! Cafe Iana FTW! (rock)

grabe talaga! sana pumasa tayo ng EEE 25 >__<