Ang ganda talaga ng sembreak ko. Puro overnights! Hahaha!
October 22-23: Nagovernight sina Greggue at Neil Mark sa bahay namin para gumawa ng MP. Biglaan lang to. As in out of the blue, naisip ni Greggue na magovernight. Haha. At ayun, wala rin kaming nagawa. Pagdating namin sa bahay, nagayos muna kami, naginternet, nanood ng TV. Tapos nung madaling araw na, nakatulog si Greggue. Di na namin siya nagising. Pinagaaralan pa rin namin ni Neil Mark kung paano gawin. At nung hindi ko na talaga kaya ay natulog na ako. Pati si Neil Mark ay natulog na rin.
Nung sumunod na araw, wala na rin kaming nagawa dahil di na kami makaconnect sa server. Kaya ayun, parang wala lang yung overnight na yun. Wala rin kaming nagawang productive.
October 24-25: Debut ni Joan to sa Laguna. Pupunta dapat ako kaso di rin natuloy. Ginawa ko kasi yung MP. Kaso wala ring nangyari sa MP ko. Konting-konti lang yung nagawa ko. Somehow nasayangan ako. Iniisip ko na sana pumunta na lang ako sa debut niya. Nagenjoy rin kasi lahat ng pumunta run. Sobrang wasted pa nung mga tao. Haha! Pero ok na rin na di ako nakapunta. At least naasikaso ko yung despedida ni Troy.
October 26-27: Ito yung despedida ni Troy. Sa susunod na entry ko na lang ikkwento yung mga nangyari rito. Sobrang dami kasi. Hehe.
October 29-30: Ito yung pinakahuling overnight sa ngayon. Sem planning ng fin ito. At as usual, sa bahay namin nagovernight. Konti lang kami. Ako, si Kat, kuya Jet, Karlo, at Gigi. Di na nakapunta si Chet kasi ginabi na siya ng uwi mula sa probinsiya. Tapos si Karlo naman hindi nagovernight. Ayun, bale lima lang kaming gumawa ng mga plano. At masasabi ko namang naging productive ang overnight na ito. Natapos namin ang mga kailangang gawin. Good job talaga! Haha.
Ayan. Haha. Puro overnight diba? Hahaha! Overall, masasabi kong naging masaya ang sem break ko. Ang daming masayang nangyari. May mga pangyayari pang hindi ko ineexpect. At dun ko rin na-realize na namiss ko pala sila ng sobra. Namiss ko yung presensiya, pagsama at pakikihalubilo sa kanila.
Haaay. Magsisimula na ang second sem. Sana naman maging masaya at maayos ang sem na ito. Wala na dapat akong ibagsak. GC mode na dapat! Haha!
Friday, October 30, 2009
Overnight Galore
0 commentswritten by Patrick at 6:15 PM
Sunday, October 18, 2009
CRS Loves Me
0 commentsNatutuwa talaga ako sa naging resulta ng first batch run ng CRS. Nakuha ko lahat ng majors ko! At may GE pa! Mahal na mahal ko ang CRS ngayon. Di na niya ako papahirapan. Yung PE na lang yung poproblemahin ko. Pero ayus na yun. At least di na ako mamomroblema sa EEE ^___^
Kaso may isa pa pala akong problema. Ayoko yung nakuha kong prof para sa EEE23. Kaya mageenlist pa rin ako sa ibang schedules. At sana matanggap ako dun. Kung hindi, magchachange of matriculation na lang ako. At sana di yun maging sobrang hassle >.<
At ayun pa pala. Naiinis ako at may subject na kaklase ko siya! Bwisit! Gusto ko na nga lumayo e :(( Nakakaasar lang talaga! :((
written by Patrick at 7:38 PM
Avalanche
2 commentsGrabe! Ang tagal ko nang di nakapagblog. Naging sobrang busy e. Paano ba naman? Pagkatapos nung "sembreak" part one e sunod-sunod na yung exams namin.
Yung "sembreak" part one na sinasabi ko ay yung isang linggo na wala kaming klase dahil sa bagyo. At dahil dito ay nausog ang lahat ng exams namin. At pati ang talagang sembreak namin ay nabawasan na ng isang linggo. Kaya imbes na magaral, ay inisip na lang namin na "sembreak" na namin ito. Kaya ayun, bum mode lang ako sa bahay. Walang ginawa kundi humarap sa computer, manood ng TV, kumain, at matulog. Wala talaga akong nagawang acad related nung linggong iyun. At pagkatapos ng isang linggong bakasyon, ayun! Nagsabay-sabay ang lahat ng exams namin sa iisang weekend. Kamusta naman yung diba? Dalawang exams ng sabado, isa ng linggo, at isa ng lunes. Sabog yung exams ko nung sabado. ES12 yung una tapos EEE13 naman yung sumunod. Masyado akong nagfocus sa ES12 kasi wala talaga akong maintindihan mula sa prof namin. Kaya di tuloy ako masyadong nakapagaral para sa EEE13. Nung linggo ay EEE21 naman. Medyo kampante naman ako rito kasi nagegets ko naman yung mga lessons. Kulang lang talaga sa practice kasi di ko nasagutan yung ibang mga tanong sa problem set dahil di naman ito pinapasa. Mas gugustuhin ko talagang ipapasa yung problem set para mapilitan akong sagutin iyun. Nakakatamad kasi pag di pinapasa e. Tapos nung lunes talaga yung pinaka-fail na exam ko. Di ko talaga magets ang EEE25. Di talaga ako handa para sa exam na yun. At formal interview pa nung buddy ko na si Rhayne nung umaga, kaya di rin ako masyadong nakapag-review nung umaga. Kaya ayun, natanga na lang ako habang nageexam.
Tapos nung wednesday pala yung finals namin sa ES12. Grabe! Di rin ako nakaaral ng maayos para dun e. Sobrang sabog talaga ako nun. Di ko yun nasagutan ng matino. At ayun, lumabasa na yung grades namin dun nung friday. At ayun, nakakalungkot lang. May bagsak na naman ako :((
Haaay. Sana ayun lang ang bagsak ko ngayong sem >.<
written by Patrick at 7:17 PM