Friday, January 1, 2010

New Year

0 comments

HAPPY NEW YEAR! ^^,

2010 na! Haha! Ayun, masaya naman yung naging celebration namin kanina ^___^ First time namin magpaputok sa balcony. Dati kasi laging sa kalsada. Ayun, mas masaya magpaputok sa balcony kasi kitang-kita namin yung ibang mga paputok, lalo na yung mga aerial display. E andami pa namang nagpapaputok nun dito. Kaya ayun, haha, ang fun! Tapos grabe pala yung isa naming kapit-bahay. Nagpaputok ng 10,000 pcs. ng Judas' Belt! Grabe! Ang tagal nun! Ayun, natapos agad ang putukan pagkatapos ng mga 15 minutes lang. Mas konti yung mga nagpaputok ngayon kesa last year. Pero mas sulit yung panonood namin ngayon. Haha. Ayun lang, sige, Happy New Year ulit! :D

Thursday, December 31, 2009

Year End Post

0 comments

Ito na ang aking last post for this year. At gusto ko lang talaga sabihin na maraming maraming salamat sa lahat na naging parte ng buhay ko ngayong taong 2009! ^___^

Gusto ko palang i-share dito yung GM ko kaninang umaga. Wala lang. Natuwa lang ako rito. Haha.


"Before the year ends, let's...
Thank those who hated us - they made us humble persons.
Thank those who loved us - they made our hearts warm and content.
Thank those who envied us - they made our self-esteem go stronger.
Thank those who cared - they made us feel important.
Thank those who entered our lives - they made us who we are today.
Thank those who left - they showed us that nothing really lasts forever.

Thank those who stayed - they showed us the true meaning of friendship.
So thank you, my friend".

So ayun, haha. Nag-bake nga pala kami kanina. Heto... :p

So advanced HAPPY NEW YEAR guys! ^___^

Wednesday, December 30, 2009

Everything's Clear

2 comments

Natutuwa talaga ako at nagkausap na kami. At dahil sa paguusap na ito ay naging malinaw na ang lahat. Inexplain ko na yung side ko, at inexplain na rin niya yung side niya. So ok na talaga ang lahat sa pagitan namin ^___^ Wala na akong kailangang ikabahala. At gusto kong magpasalamat sa kanya dahil naintindihan niya ako ^___^

Problems

0 comments

Nalulungkot talaga ako sa mga nangyayari ngayon. Matatapos na nga ang taon, tapos ngayon pa nagkaroon ng mga kaguluhan.

Isa na rito ay sa pamilya namin. Naiinis talaga ako sa ginawa niya. Hindi na yun appropriate e. Grabe lang! Ang lakas ng loob a. O tignan mo, nahuli ka tuloy. Kasi naman e, di na dapat ginagawa yung mga ganung bagay. Tsk tsk. Minsan tuloy ang awkward na ng dating. Haaay. Maayos pa kaya ito? :(

Tapos yung isa pang problema e yung sa mga kaibigan ko. Haaay. Ang laki ng kaguluhang nangyayari ngayon. At naiipit ako sa kanilang lahat. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung makikialam ba ako. Baka kasi mamaya sa akin pa sila magalit dahil nangingialam pa ako. Pero gusto ko talaga silang tulungan para maayos na ang kaguluhang ito. Isang lang naman kasi itong malaking misunderstadning. Kumabaga, parang nagkataon lang yung mga pangyayari. (Well, yun yung pagkakaintindi ko) At sana naman maintindihan nila yun. Kung maguusap-usap lang silang lahat, magiging malinaw rin ang lahat e. Haaay. Sana naman maayos na ito.

Ice Skating

2 comments

Last Saturday, December 26, nag-ice skating ang CKT07 sa MOA! Haha! Ang original plan dapat e manunuod kami ng Avatar, kaso naalala naming MMFF pala yun. So may nagsuggest na mag-ice skating na lang. Kaya ayun, nag-ice skating na lang kami :p

Mga kasama pala ay ako, Alai, Jelo, Kat, Cielo, kuya Jade, Sahara, Gens, AJ, Rhoda, Stephen, Chet, Carlo, Lorr, Mark at Joe.

Ayun, nakakatuwa yung experience. Marami kasi sa amin ay first time mag-skate, kagaya ko. Kaya lahat kami naghahawakan. Haha! May mga nalaglag kagaya ko, meron ding mga taong nagaalalayan the whole time. Haha! Ayun, buong araw kami nag-skate.

Tapos nung mejo pagod na, umalis na kami dun at naglibot-libot muna sa mall. Tapos pumunta na kami sa may seaside para manuod ng fireworks. At pagkatapos ng fireworks e dumerecho na kami sa bahay nina Sahara para sa overnight! :D

Ayun, sobrang saya talaga nung experience na yun. At siyempre natutuwa din ako dahil nakapagbond kami ng bongga. Sana maulit ulit ito!

Ito pala yung links ng mga pictures namin:
PART 1
PART 2
PART 3

Monday, December 21, 2009

Rants VI

0 comments

Ayun, mejo naninibago ako sa kanya. Kasi nga ever since nung 1st sem e di na kami nagpapansinan. Tapos ngayong sem, para bang walang nangyari at balik na ulit sa dati. Pero naninibago ako ngayon kasi siya na mismo yung unang kumakausap at nagsstart ng conversation. E dati ako lagi ang nagsisimula. Kaya ayun, natutuwa naman ako kahit papaano :D

~o~

Ayun, may nagkagusto sa aking lalaki. And I really didn't see that one coming. Tapos nagulat na lang ako nang bigla siyang umamin. Kaso di naman ako open sa mga ganun, kaya I turned him down. Ayun, first time kong gawin yun, at sa lalaki pa. Haha. At para bang ang lungkot at ang bigat sa kalooban na gawin yun. Pero ok na rin na binusted ko siya agad, kesa naman sa pinaasa ko pa. Pero nakakalungkot lang talaga. Wala lang. Haha.

Huge Relief

0 comments

Sa wakas at bakasyon na rin kami! :D

Pero grabe lang yung mga pinagdaanan namin bago magbakasyon. Isa na rito ay ang sunod-sunod na exams. Haaay. Nakapagaral naman ako ng mabuti para sa mga exams. Kaso di ko alam kung naging sapat na ito. Pero sana naman ay maging ok ang mga results ng mga first long exams ko. Sana pasado lahat! :p

Ayun, natapos na rin ang Eng'g Week. At masasabi kong nagenjoy ako! First time kong panuorin lahat ng night events na kasali ang Circuit. Tapos kasali pa ako sa Smoker's Night at Awitan. And I'm really proud to say na 4th place kami sa Awitan! Go Circuit Chorus! Last year kasi 2nd to the last kami. At least ngayon nakabawi kami. Mejo bitter nga lang kasi 0.04 lang ang lamang sa amin nung 3rd place. Pero ok na rin yun dahil samin napunta ang 3rd place EWOC points since hindi naman taga-eng'g ang nanalo. Haha. Ito nga pala yung link ng performance namin: Circuit Chorus

Ang saya nung overnight ng 07+SHR sa bahay nina Janel after ng Miss Eng'g. Grabe lang! Ang daming rebelasyon! :)) Tapos pareho pa kaming umiyak ni Melai. Wala lang. Haha. Naglabas lang naman kasi kaming lahat ng sama ng loob. At ako nama'y di ko na napigilan at tuluyan na akong lumuha at napaiyak. Haha. Pero ok na rin yun, at least nailabas ko na.

Ano pa ba? Ayun na lang yung naaalala ko e. Haha!